Base
Mukhang kailangan pong ayusin ang artikulo na ito upang umayon ito sa pamantayan ng kalidad ng Wikipedia. (Marso 2007)
Makakatulong po kayo sa pagpapaunlad sa nilalaman po nito. Binigay na dahilan: wala |
Ang karaniwang pakahulugan sa (Arrhenius) ng base ay isang kompuwestong kimikal na tumatanggap ng mga iong hidronio (hydronium ions) kapag tinunaw sa tubig (isang taga-tanggap ng proton). Ang alkali ay isang espesyal na halimbawa ng isang base kung saan ito’y nagdudulot ng iong oksihidro sa aguadong (may tubig) kapaligiran. Sinasabing ang mga base at asido ay magkatunggali dahil sa ang dulot ng isang asido ay pataasin ang konsentrasyon ng iong hidronio (H3O+) sa tubig samantalang ang base ay nagpapababa ng konsensantrasyon nito. Natutunaw sa tubig ang lahat ng Arrhenius base (beis) at laging may pH na higit sa 7.
May iba pang pangmalawakan at abansadong pakahulugan sa asido at base.
Mga Karaniwang Base
[baguhin | baguhin ang wikitext]• Mga carbonato - Baking soda (sodium hydrogen carbonate) at carbonato ng sodio • Ammonia (amoniaco) and amines • Pyridine (piridino) at ipa pang basic aromatic rings • Mga oksihidro metal tulad oksihidro ng sodio/sodium hydroxide o oksihidro ng potasio/potassium hydroxide • Maraming oksido metal ang nagiging mga oksihidorng basiko sa tubig (anhydrides) • Sabon
Ang Base at pH
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang pH ng (di-dalisay) na tubig ay sinusukat sa kanyang asides (kaasiman). Sa isang dalisay na tubig, isa sa sampung milyong molekula lang nito ang naghihiwalay sa iong hidronio (H3O+) at iong oksihidro(OH−) ayon the sumusunod na ekwasyon:
- 2H2O(l) → H3O+(aq) + OH-(aq)
Ang konsentrasyon (sa mole/liter) ng mga ions ay ipinakikita bilang [H3O+] and [OH−]; ang kanilang produkto ng kanilang pagpaparami ay tinatawag na konstant ng disosyasyon ng tubig at may halagang 10−14 mole2/l2. Ang balangkas matematika ng pH ay −log [H3O+]; kaya, ang isang dalisay na tubig ay may pH na 7. (The bilang na ito ay tama sa 23 °C at nagbabagp ng kaunti sa ibang temperatura.)
Tumatanggap (o nag-aalis) ng iong hidronio (H3O+) ang base sa solusyon, o nagbibigay ito ng iong oksihidro (OH-) sa solusyon. Pareho itong magpapababa sa iong hidronio, at kaya magpapataas sa pH. Sa kabilang dako, nagbibigay ng H3O+ ions ang isang asido o kaya’y tumatanggap (o nag-aalis) ng OH− at kaya nagpapababa sa pH.
Natutuos ang pH ng isang solusyon. Halimbawa, ang isang mole ng oksihidro ng sodio/sodium hydroxide (40 g) na tinunaw sa 1 litrong tubig ay may konsentrasyon ng iong oksihidro [OH−] = 1 mole/l. Kaya ang [H+] = 10−14 mol/l, at pH = −log 10−14 = 14.
Mga Katangian ng Base
[baguhin | baguhin ang wikitext]Hindi kasing lapot ng tubig ang mga base (beis); may mapait na lasa at mala-sabon (madulas) sa hipo. Nagiging asin ito kapag kimikang nakipagsanib sa isang asido. Neutralisasyon sa mga Asido Kapag tinunaw sa tubig, ang base na oksihidro ng sodio/sodium hydroxide ay nagigihiwalay sa hydroxide at sodium ions:
at gayundin, sa tubig ang cloruro ng hidrogeno/hydrogen chloride ay naghihiwalay sa mga iong hidronio and chloruro:
Kapag pinaghalo ang dalawang solusyong ito, ang H3O+ at OH− ions ay nagsasanib upang makabuo ng molekula ng tubig:
Kapag magkatumbas ang tinunaw na dami ng NaOH at HCl (na sinukat sa moles, hindi sa gramo), eksaktong neutralisado ang base at asido at mag-iiwan lang ito ng NaCl (karaniwang asin) sa solusyon.
Alkalinidad ng mga non-hydroxides
[baguhin | baguhin ang wikitext]Parehong base ang carbonato de sodio/sodium carbonate at amoniaco/ammonia ngunit pareho silang hindi naglalaman ng OH− groups. Tumatanggap silang pareho ng H+ kapag tinutunaw sa tubig:
Ang Base bilang katalisador (catalysts) na heterogeneous
[baguhin | baguhin ang wikitext]Maaring gamitin ang mga sustansiyang basiko bilang di-matutunaw na heterogeneous catalysts (katalisador) sa mga kimikang pagsasanib. Halimbawa rito ang mga oksido meta/metal oxides tulad ng oksido ng magnesio/magnesium oxide, oksido ng calcio/calcium oxide, at oksido ng bario/barium oxide gayundin ang floruro ng potasio/ potassium fluoride sa alumina at ilang zeolites. Maraming mga transisyong metal ang mainam na katalisador at bumubuo ng basikong sustansiya. Ginagamit ang mga basikong katalisador sa mga hidrohenasyon, paglilipat ng dalwahing kawing, Meerwein-Ponndorf-Verlay reduction, ang Michael reaction, at marami pang ibang kimikang pagsasanib.