Apritada
Ibang tawag | afritada, apretada[1] |
---|---|
Kurso | Ulam |
Lugar | Pilipinas |
Ihain nang | mainit |
Pangunahing Sangkap | manok/baka/baboy, sarsa ng kamatis (o ketsap na saging), karot, patatas, pula at berdeng bell pepper |
Mga katulad | menudo, kaldereta, hamonado, pininyahang manok |
|
Ang apritada[2] ay isang ulam sa Pilipinas na gawa sa manok, baka, o baboy na sinabawan ng sarsa ng kamatis, at hinaluan ng karots, patatas, at pula at berdeng bell pepper. Sinasabayan ito ng kanin, at isa ito sa mga karaniwang kinakain ng Pilipino araw-araw.[3] Mayroon ding mga uri ng apritada na gawa sa pagkaing-dagat.[4][5]
Etimolohiya
[baguhin | baguhin ang wikitext]Nagmula ang pangalang afritada sa fritada ("prito") sa wikang Kastila, na tumutukoy sa unang hakbang sa paghahanda kung saan piniprito ang karne bago pakuluin sa sarsa ng kamatis.[6]
Paglalarawan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang apritada ay nilagang ulam. Sinisimulan ang paghanda nito sa paggisa ng bawang at sibuyas. Pagkatapos, hinahalo ang hiniwa na karne para maprito hanggang lumambot ito. Kapag medyo nagkayumanggi na ang karne, ibinubuhos ang tubig at tomato paste sa kawali, at idinaragdag din ang mga karots, potatoes at hiniwang bell peppers. Maaari ring idagdag ang mga hiniwang kamatis, tsitsaro, balatong, o sitaw. Maaari rin itong lagyan ng pampalasa, kagaya ng asin, paminta, dahon ng laurel, at patis. Pinakukulo ang mga sangkap hanggang maluto ang mga gulay. Pinapares ito sa kanin.[7][4][8]
Mga uri
[baguhin | baguhin ang wikitext]Nag-iiba ang pangalan ng apritada base sa pangunahing sangkap nito. Kabilang sa mga pinakakaraniwan dito ang apritadang manok,[9] apritadang baka, at apritadang baboy.[5] Maaari ring iapritada ang mga pagkaing dagat, kagaya ng apritadang isda o apritadang tahong. Magkapareho ang proseso ng pagluluto ng mga ito sa mga apritadang gawa sa karne.[10][11]
Karaniwang hinahamonado ang pagluto sa apritada (may kasamang pinya). Pineapple chicken afritada ang tawag sa matamis na baryanteng ito.[12] Kadalasan, ipinagkakamali ito sa pininyahang manok, nilagang manok na dinaragdagan din ng pinya. Ngunit walang sarsa ng kamatis sa huling nabanggit.[13][14]
Mga katulad na pagkain
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang apritada ay katulad sa menudo at kaldereta, dalawang pagkaing Pilipino na may sarsa ng kamatis o ketsap na saging. Ngunit may hiniwang atay ang menudo, habang karne ng kambing lang ang ginagamit sa kaldereta.[15]
Tingnan din
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "Apretada". Tagalog Lang. Nakuha noong December 13, 2018.
- ↑ Alexandra Petilla; Rafia Q. Shah; Jyothi Setti; Jose C. Magboo; Amaryllis Garupa Selk; Gita Bantwal; Suzanne Olipane; Madge Kho; Ruchira Handa; Chris Santos-Brosnihan; Jumuna B. Vittal; Roosebelt Balboa; Antoinette G. Angeles; Dr. S. Jayasankar; Sivagama Sundhari Sikamani; Socorro M. Bannister; Blanca G. Calanog; Carmencita Q. Fulgado; Rosario E. Gaddi; Salvador Portugal; Marivic L. Gaddi; Jerry P. Valmoja; Peter Nepomuceno; Carmelita Lavayna; Atonia A. Suller; JoAnn C. Gayomali; Florence T. Chua; Theresa Gatwood; Mama Sita; Century Park Hotel-Manila; The Peninsula Hotel-Manila; Holiday Inn-Manila (1998). Recipe Book of Filipino Cuisine. Pittsburg, Pennsylvania: Naresh Dewan.
- ↑ "Colinares, Robert (2007) "Pork Afritada" no site FilipinoFoodLovers.com". www.filipino-food-lovers.com (sa wikang Ingles). Nakuha noong Agosto 9, 2022.
- ↑ 4.0 4.1 Merano, Vanjo. "Chicken Afritada Recipe" [Resipi ng Apritadang Manok]. Panlasang Pinoy (sa wikang Ingles). Nakuha noong Disyembre 13, 2018.
- ↑ 5.0 5.1 Polistico, Edgie (2017). Philippine Food, Cooking, & Dining Dictionary. Anvil Publishing, Incorporated. ISBN 9786214200870.[patay na link]
- ↑ "Afritada, A Famous Filipino Stew" [Apritada, Isang Sikat na Nilagang Pilipino]. FilStop (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong Disyembre 15, 2018. Nakuha noong Disyembre 13, 2018.
- ↑ "Chicken Afritada" [Apritadang Manok]. Kawaling Pinoy (sa wikang Ingles). Nakuha noong Disyembre 13, 2018.
- ↑ "Afritada Chicken Recipe" [Resipi ng Apritadang Manok]. MyFilipnoRecipes (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong Disyembre 15, 2018. Nakuha noong Disyembre 13, 2018.
- ↑ "Chicken Afritada Recipe" [Resipi ng Apritadang Manok] (sa wikang Ingles). Nakuha noong Disyembre 13, 2018.
- ↑ "Fish Afritada" [Apritadang Isda]. Mama's Guide Recipes (sa wikang Ingles). Abril 30, 2017. Nakuha noong Disyembre 13, 2018.
- ↑ "Afritadang Tahong". Panlasang Pinoy Meaty Recipes (sa wikang Ingles). Nakuha noong Disyembre 13, 2018.
- ↑ "Pineapple Chicken Afritada". Kawaling Pinoy (sa wikang Ingles). Abril 7, 2018. Nakuha noong Disyembre 13, 2018.
- ↑ "Pininyahang Manok (Pineapple Chicken)". PinoyWay (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong Disyembre 15, 2018. Nakuha noong Disyembre 13, 2018.
- ↑ "RECIPE: Pininyahang Manok". ABS-CBN News. Pebrero 7, 2018. Nakuha noong Disyembre 13, 2018.
- ↑ "Chicken Afritada (Afritadang Manok)". Panlasang Pinoy Meaty Recipes. Nakuha noong Disyembre 13, 2018.