2. Kultura ng Ating Lahi, Ating Pahalagahan
Kultura ang tawag sa paraan ng pamumuhay ng mga tao. Ito ang
nagbibigay sa isang bansa ng kaniyang sariling pagkakakilanlan.
Nakikilala tayo bilang isang lahi sa pamamagitan ng ating pagkain,
pananamit, mga laro, kuwento, mga pambansang sagisag, kaugalian o
mga gawi. Paano pa maaaring makilala ang isang bansa?
Halina at ating tuklasin ang angking ganda at yaman ng ating kultura.
3. Alam mo ba na bago pa man dumating ang mga
Espanyol ay may sarili nang sistema ng pagbasa at
pagsulat ang mga katutubong Pilipino? Kilala ito sa
tawag na baybayin.
Suriin natin ang tsart na ito: Ang Baybayin.
4. Ginagamit pa rin ang baybayin
ng ilang katutubong pangkat
tulad ng mga Hanunuo at Bujid.
Gayon din naman, maraming
Pilipino ang kinakikitaan ng
kawilihang pag-aralan ito at
gamitin. Nararapat lamang
sapagkat ito ay bahagi ng ating
kultura. Pinatutunayan nito na
ang mga Pilipino ay may
kabihasnang hindi nahuhuli sa
mga katabing bansa sa Asya
noong sinaunang panahon pa
man.
5. Ano ang tawag sa sinaunang sistema ng pagbasa at
pagsulat na sinasabing umiral na sa Pilipinas bago pa
man dumating ang mga Espanyol? Saan ito isinusulat at
paano ito binabasa?
Ano ang ipinahihiwatig ng pagkakaroon ng mga
sinaunang Pilipino ng sariling baybayin?
Paano mo mapahahalagahan ang mga katutubong Pilipino
na may mayamang kultura noon pa mang sinaunang
panahon?
6. 2. Magbaybayin Tayo: Subuking isulat ang
mga salita sa ibaba gamit ang baybayin.
Gamitin bilang gabay ang tsart. Gawin ito sa
iyong kuwaderno.
7. Katulong ang iyong katabing mag-aaral, buuin ang
web. Isulat sa maliliit na hugis bilog ang angkop na
halimbawa ng mga materyal na kulturang Pilipino.
Isulat lamang ang bilang ng halimbawa sa hugis
bilog. Idugtong ang maliliit na bilog sa
kinabibilangang malaking bilog. Gawin ito sa iyong
kuwaderno.
1. tumbang preso 9. Ang Pagong at Matsing
2. aratilis 10. Tinikling
3. Pandango sa Ilaw 11. maruya
4. sungka 12. patintero
5. Ang Alamat ng Lansones 13. Sa Ugoy ng Duyan
6. Cariňosa 14. Ibong Adarna
7. adobo 15. Anak
8. 1. tumbang preso 9. Ang Pagong at Matsing
2. aratilis 10. Tinikling
3. Pandango sa Ilaw 11. maruya
4. sungka 12. patintero
5. Ang Alamat ng Lansones 13. Sa Ugoy ng Duyan
6. Cariňosa 14. Ibong Adarna
7. adobo 15. Anak
sayaw
laro
Awit
Kuwento
Pagkain
Materyal na
Kultura
9. a.Ano ang ipinahihiwatig ng nabuong web
tungkol sa kulturang Pilipino?
b.Bilang mga Pilipino, bakit mahalagang
kilala natin ang ating kultura?
c.Paano mo mapahahalagahan ang ating
sariling kultura sa modernong panahon?
Pangatwiranan.
11. Kahon ng Pagpapahalaga
* Pananalig sa Diyos * Kabaitan
* Pagkamatapat * Kawanggawa o Charity
* Pagkamaalalahanin * Pagmamahal sa Pamily
* Pagmamahal o Pag-aaruga sa Anak
Gaano ang alam mo sa kulturang Pilipino? Halina at gawin ang
sumusunod.
Gawain 1
Ang mga Pilipino ay kilala sa buong mundo sa kanilang
natatanging pagpapahalaga sa kultura. Alam mo ba kung ano-ano
ang mga pagpapahalagang ito?
1. Sa bawat sitwasyon na inilahad, anong pagpapahalaga ang
nararapat? Piliin sa Kahon ng Pagpapahalaga ang sagot sa bawat bilang.
Kahon ng Pagpapahalaga
12. Libo-libong tao ang nasawi nang
manalasa ang Bagyong Yolanda.
Maraming bahay at gusali ang
gumuho.. Sa kabila nito hindi
nangamba ang mga Pilipino na sila ay
pababayaan ng Diyos.
Ang awit na “Anak” ni Freddie Aguilar na
tumutukoy sa hindi mapapantayang
pagmamahal ng mga magulang sa anak ay
naisalin sa 26 na wika, narinig sa 56 na bansa
at bumenta ng 30 milyong kopya. Ano ang
ipinahahatid ng awit na ito?
________________________________
13. Para sa mga Pilipino, hindi kinakailangan maging
mayaman upang makatulong sa kapuwa. Sa mga
panahon ng kalamidad at nananawagan ang mga
estasyon ng radyo o telebisyon, mapapansin
mong bumabaha ng tulong mula sa ating mga
kababayan.
________________________
Hindi nagdalawang isip si Cherryl
Macaraeg, isang Pilipinong
nakatira na sa Canada, na ibalik ang
halagang $100,000 sa bangkong
nagkamali na ideposito ito sa
kaniyang savings account.
14. Kung mapansin ng iba na ikaw ay may
hinahanap na lugar, nag-aalok silang tulungan
ka. Kung may dala kang mabigat, hindi mo na
kailangan pang humingi ng tulong, may mga
nakahandang mag-alok nito sa iyo.
Likas ito sa ating mga Pilipino.
____________________________
2. May iba ka pa bang alam na pagpapahalagang Pilipino?
Paano ka makatutulong sa pagpapanatili nito?
3. Anong mabuting kaugalian ang iyong naipakita bilang
Pilipino?
4. Paano makaaapekto ang magandang ugaling ito sa
pandaigdigang pagkakaisa?
5. Bilang isang mag-aaral, paano mo maipamamalas ang
pagkakaroon ng sariling disiplina tungo sa progresibong
kultura?
15. Gawain 2
Pangkatang Gawain
1. Pagyamanin natin ang ating kultura. Katulong ang iyong pangkat,
gumawa ng word tree para sa paksa o bahagi ng kulturang maitatalaga sa
inyong pangkat. Maaaring gawing halimbawa ang word tree sa araling ito.
Gamitin ang inyong pagkamalikhain. Gawin ito sa isang manila paper.
Unang Pangkat - Mga Laro at Libangan
Ikalawang Pangkat - Mga Lugar at Tanawin sa Pilipinas Ikatlong
Pangkat - Mga Lutuing Pagkaing Pilipino Ikaapat na Pangkat - Mga
Awiting Pilipino
Ikalimang Pangkat - Mga Kuwento at Tula
Ikaanim na Pangkat - Mga Kasuotan
2. Ibahagi sa klase ang nagawa ng inyong
pangkat. Ilarawan o ipakita sa pamamagitan ng
kilos ang mga nabuong sagot.
3. Sabihin kung paano kayo makatutulong sa
pagpapayaman at pagpapanatili ng kulturang
Pilipino.
17. Sa pagdaan ng panahon, hindi
maiiwasang magkaroon ng
pagbabago sa isang kultura. Ano-
ano ang mga dahilan ng mga
pagbabagong ito? Dapat bang
gayahin o tanggapin ang anumang
nauuso?
18. 1. Katulong ang iyong pangkat,
gumawa ng poster o collage na
nagpapakita ng yaman at ganda ng
kulturang Pilipino. Maaari itong
magpakita ng mga materyal at di
materyal na salik ng ating kultura. Sa
ibaba ng poster ay gumawa ng
magsisilbing pamagat o paksa ng
inyong poster.
19. 2. Ibahagi ang inyong ginawa sa klase.
Sabihin kung tungkol saan ang inyong
ginawa at paano ito makapaghihimok o
makagaganyak sa iba na mahalin at
ipagmalaki ang ating kultura.
20. Kultura ang tawag sa paraan ng pamumuhay ng isang pangkat.
Napapaloob dito ang kanilang mga paniniwala, kaugalian, pagpapahalaga,
mga gawi, at mga bagay o sagisag na magpapakilala sa kanila bilang isang
natatanging pangkat. Upang magkaroon ng malalim na kaalaman tungkol sa
isang pangkat, kinakailangang malaman mo ang kultura ng pangkat na ito.
Ang kulturang Pilipino ang nagpapakita ng ating pagkakakilanlan
bilang isang bansa. Bilang isang Pilipino, tungkulin nating alamin, alagaan,
pagyamanin, at ipagpatuloy ang kultura natin.
21. . Masarap sa pakiramdam na alam mo ang iyong
pinagmulan, ang pamana ng iyong lahi. Dahil alam
mo na bahagi ito ng iyong pagka-Pilipino, pananatilihin
mong buhay ito. Sa iyong pagtanda, tanungin ka man
ng mga nakababata, masasagot mo ang anumang
may kinalaman sa kulturang Pilipino dahil kilala mo ito
at bahagi ka nito.
23. Napakaraming magagandang katangian ang kulturang
Pilipino. Bilang Pilipino, tungkulin nating palaganapin at pagyamanin
ang mga pamanang ito.
1. Nakakita ka na ba ng flyer o brochure? Karaniwan itong
ipinamimigay kung may produktong nais ipakilala sa mga
mamimili. Gumawa ng isang flyer o brochure na maglalarawan
ng isang aspekto ng kulturang Pilipino.
2. Lagyan din ng pamagat o tag line ang ginawang materyal.
Halimbawa: Pilipinas ang Ganda! Tayo Na!
3. Mga halimbawa ng maaaring gawin ay:
• Masasarap na pagkaing Pilipino
• Mga larong Pilipino
• Mga pambansang sagisag at kahalagahan
• Isang tanyag na Pilipino sa kaniyang larangan
• Isang tanawin o lugar sa Pilipinas na maaaring puntahan
• Mga natatanging kaugalian sa Pilipinas
• Isang popular na kuwentong Pilipino na alam mo
24. 4. Para makagawa ng isang magandang brochure, maaaring
gamiting batayan ang mga ipakikitang brochure o flyer ng
guro. Gamitin ang iyong pagiging malikhain. Lagyan ito ng
makukulay na larawan. Maaaring gumupit sa mga lumang
magasin o maaari ding sariling guhit ang mga larawan.
Talakayin din ang paksa sa brochure. Gawing maikli ngunit
malaman ang pagtatalakay. Narito ang halimbawang
balangkas para sa isang brochure.
• Tupiin ang isang puting papel sa tatlong bahagi.
25. • Ang isang bahagi ay maaaring gawing front cover o
paunang pahina. Dito mo ilalagay ang pamagat o paksa
ng iyong brochure. (Halimbawa: "Paano Magluto ng
Sarap-Asim na Sinigang")
26. • Para sa susunod na pahina, habang tinatalakay ang
paksa, maglagay ng mga kaugnay na larawan upang
higit na maging kaakit-akit itong basahin.
5. Pagkatapos mo itong magawa, ipakita ang iyong nagawa sa
katabi. Ipaliwanag sa kaniya ang iyong nagawa.
6. Pagkatapos makapagbahagi, sa tulong ng guro, ilalatag ang
mga nagawang brochure sa isang mesa, ilalabas ito, upang
makita at mabasa ng ibang mag-aaral
Halimbawa ng brochure:
29. I. Tukuyin ang inilalarawan sa bawat pahayag. Isulat ang inyong
sagot sa inyong sagutang papel. Piliin ang sagot sa mga
salitang nasa kahon.
karapatan Lydia de Vega Rona Mahilum
bayanihan Emilio Advincula Jolibee
malasakit
1. Siya ang kauna-unahang Pilipinang naipadala sa Olympics
upang kumatawan sa ating bansa. Itinanghal bilang Asia’s
fastest woman noong 1980’s.
2. Isang natatanging kaugalian ng Pilipino ang kusang-loob
na pagtulong. Halimbawa: kung may nagbabayad na
pasahero, inaabot natin ang kaniyang bayad kahit hindi
natin siya kakilala; kung may nahulog na gamit ang isang
tao at alam mong marami siyang dala, pinupulot mo ito o
tinutulungan mo siyang ayusin ang gamit niya.
3. Noong Mayo 26, 1996, nasunog ang isang bahay sa Negros
Occidental. Isang batang babae ang nagtamo ng mga
lapnos sa kaniyang likod sa pagliligtas sa kaniyang limang
kapatid sa kasagsagan ng sunog. Noong 1997, kinilala
siya sa kaniyang katapangan at kabayanihan!
4. Noong 1996, naiwan ng isang balikbayan ang kaniyang
bag na naglalaman ng mga alahas na nagkakahalaga ng
P2 milyon at ilang libong dolyar. Ibinalik lahat ng bayaning
taxi drayber ang naiwan ng kaniyang pasahero.
30. 5. Ito ang kauna-unahang food chain restaurant na nagtagumpay
na makipagsabayan sa ibang restawran sa ibang bansa. Kilala
ito sa linyang “Langhap Sarap.”
II. Pag-aralan ang sumusunod na sitwasyon. Piliin ang dapat
gawin para sa bawat sitwasyon. Isulat ang titik ng iyong sagot
sa iyong kuwaderno.
1. Napansin mo na hindi gumagamit ng po at opo ang iyong
nakababatang kapatid sa pagsagot sa inyong nanay. Ano
ang iyong gagawin?
a. Hahayaan ko na lamang siya sa kaniyang ginagawa.
b. Sisigawan at pagagalitan ko siya upang matuto siya.
c. Sasabihin ko sa kaniya na ang batang Pilipino ay
magalang kaya dapat na sumagot siya nang may po
at opo sa mga nakatatanda.
d. Sasabihan ko si Nanay na paluin siya.
2. May pinsan kang nagbalikbayan sa unang pagkakataon.
Nagbilin ang iyong tatay na turuan siya ng larong Pinoy.
Ano ang ituturo mo sa kaniya?
a. Isasama ko siya sa computer shop para maglaro ng
computer games.
b. Iimbitahan ko siyang magbasketbol.
c. Magkukunwari akong hindi narinig ang T
atay dahil
mahihirapan lang akong mag-Ingles kapag tinuruan
ko siya.
d. Iimbitahan at tuturuan ko siyang maglaro ng sungka.
31. 3. Sinabihan kayo ng inyong guro na kayo ay magsasayaw
ng Tinikling sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika. Ano ang
iyong gagawin?
a. Hindi ako sasali dahil mahirap ang sayaw na Tinikling.
b. Sasali ako at pagbubutihin ko ang pag-eensayo.
c. Sasali ako sa pag-eensayo pero hindi ako dadalo sa
araw ng pagtatanghal.
d. Makikiusap ako na Hiphop na lang ang isayaw namin
dahil iyon ang uso.
4. Sa kabila ng mabigat na suliraning idinulot ng bagyong
Yolanda, hindi natinag ang mga Pilipino. Nagtulong-tulong
ang bawat isa sa pamamagitan ng pagbibigay ng relief
goods, muling pagtatayo ng kanilang bahay at pagdarasal
para sa kanila.
Mahirap mang pumunta sa mga nasalantang lugar dahil
sira-sira ang mga daan, hindi ito inalintana ng mga
kababayan natin. Isa itong patunay na likas na sa bawat
Pilipino ang pagiging:
a. bayani
b. madasalin c.
matulungin d.
mapagbigay
5. Napansin mong nahihirapan ang iyong kaklase na unawain
ang inyong leksiyon sa Matematika. Laging mababa ang
kaniyang iskor sa mga pagsusulit. Samantala, matataas
lagi ang iyong nakukuha dahil naunawaan mo nang mabuti
ang itinuturo ng inyong guro.
32. a. Maaawa ako sa kaniya.
b. Lalapitan ko siya at aalukin kung nais niyang mag-aral
kami ng leksiyon namin sa Matematika.
c. Sasabihan ko siyang makinig nang mabuti sa guro.
d. Sasabihan ko siyang mag-aral nang mabuti.
III. Paano ka makatutulong sa pagpapayaman at pagpapalaganap
ng Kulturang Pilipino? Isulat ang iyong sagot sa iyong
kuwaderno.
1.
2.
Binabati kita sa pagtatapos mo sa araling ito! Ngayon ay
handa ka nang tumungo sa susunod na aralin. Lagi mong isapuso
ang pagmamahal sa bansang Pilipinas. Pagmalasakitan mo ito at
ipagmalaki mo na ikaw ay Pilipino.