Tarento
Tarento | ||
---|---|---|
Comune di Taranto | ||
Ika-15 siglong Kastilyong Aragon | ||
| ||
Mga koordinado: 40°28′N 17°14′E / 40.467°N 17.233°E | ||
Bansa | Italya | |
Rehiyon | Apulia | |
Lalawigan | Tarento (TA) | |
Mga frazione | Talsano, Lido Azzurro, Lama, San Vito, San Donato | |
Pamahalaan | ||
• Mayor | Rinaldo Melucci (mula 29 Hunyo 2017) (PD) | |
Lawak | ||
• Kabuuan | 249.86 km2 (96.47 milya kuwadrado) | |
Taas | 3 - 431 m (−1,411 tal) | |
Populasyon (2018-01-01)[2] | ||
• Kabuuan | 198,283 | |
• Kapal | 790/km2 (2,100/milya kuwadrado) | |
Demonym |
| |
Sona ng oras | UTC+1 (CET) | |
• Tag-init (DST) | UTC+2 (CEST) | |
Kodigong Postal | 74121-74122-74123 | |
Kodigo sa pagpihit | (+39)099 | |
Santong Patron | San Cateldo ng Tarento | |
Saint day | Mayo 10 | |
Websayt | Opisyal na website |
Ang Tarento o Taranto (Italyano: [ˈTaːranto]; Tarantino: Tarde; Latin: Tarentum;[3] maagang Italyano: Tarento;[3] Sinaunang Griyego: Τάρᾱς[4]) ay isang baybaying lungsod sa Apulia, Katimugang Italya. Ito ang kabesera ng Lalawigan ng Tarento at isang mahalagang komersiyal na pantalan pati na rin ang pangunahing base ng hukbong-dagat ng Italya.[5]
Ang Tarento ay itinatag ng mga Espartano noong ika-8 siglo BK. Sa panahon ng kolonisasyong Griyego sa mga baybayin ng Timog Italya, ang lungsod ay isa sa pinakamahalaga sa Magna Graecia at ito ay naging makapangyarihan sa larangan ng kultura, ekonomiya, at militar, na nagsilang ng mga pilosopo, estratehista, manunulat, at atleta, tulad nina Archytas, Aristoxenus, Livius Andronicus, Heracleides, Iccus, Cleinias, Leonidas, Lysis, at Sosibius. Ang pitong taong pamamahala ng Archytas ay nagmarka bilang rurok ng pag-unlad ni Tarrnto at pagkilala sa gahum nito sa iba pang kolonya ng Gresya sa katimugang Italya.
Sa panahong Normando, naging kabisera ito ng Prinsipalidad ng Tarento, na sumakop sa halos lahat ng sakong ng Apulia.
Mula sa pangalan ng lungsod nakukuha ang species na Lycosa tarantula, na pinagmulan ng mga katagang tarantella, tarantismo, at tarantula . Kilala rin ang Tarento sa malaking populasyon ng mga lumba-lumba at iba pang cetacea na ayon sa kasaysayan ay matatagpuan malapit sa Kapuluang Cheradi, na matatagpuan sa harapan ng lungsod.
Ito ang pangatlong pinakamalaking kontinental na lungsod sa katimugang Italya at isang mahalagang komersiyal at pandagat na pantalan na may mahusay at maunlad na mga pandayan ng bakal at asero, pagpipino ng langis, gawaing kimika, daungang pandagat, at pabrika sa pagproseso ng pagkain.
Bandang 500 BK ang lungsod ang isa sa pinakamalaki sa buong mundo na may mga tinatayang populasyon hanggang sa 300,000 katao.[6][7]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "Superficie di Comuni Province e Regioni italiane al 9 ottobre 2011". Istat. Nakuha noong 16 Marso 2019.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Popolazione Residente al 1° Gennaio 2018". Istat. Nakuha noong 16 Marso 2019.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 3.0 3.1 Gigante, Nicola (2002). Dizionario della parlata Tarantina (sa wikang Italyano at Neapolitan). Mandese editore. p. 850.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Sinaunang Griyego: Τάρᾱς, romanisado: Tárās; Modern Greek: Τάραντας, romanisado: Tárantas.}}
- ↑ "Port of Taranto". World Port Source. Nakuha noong 16 Setyembre 2011.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Oppenheimer, Michael (1 Enero 2002). "The Monuments of Italy: A Regional Survey of Art, Architecture and Archaeology from Classical to Modern Times". Tauris. Nakuha noong 26 Disyembre 2016 – sa pamamagitan ni/ng Google Books.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Halsey, William Darrach; Friedman, Emanuel (1 Enero 1986). "Collier's Encyclopedia, with Bibliography and Index". Macmillan Educational Company. Nakuha noong 26 Disyembre 2016 – sa pamamagitan ni/ng Google Books.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)