Pumunta sa nilalaman

Seleucus II Callinicus

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Barya ni Seleucus II.

Si Seleucus II Callinicus o Pogon (Grriyego: Σέλευκος Β' Καλλίνικος, na nangangahulugang "magandang nagwagi" at "may balbas") ang pinuno ng Helenistikong Imperyong Seleucus na naghari mula 246 hanggang 225 BCE. Pagkatapos ng kamatayan ng kanyang amang si Antiochus, siya pinroklamang hari ng kanyang inang si Laodice sa Ephesos samantalang pinaslang ng kanyang mga partisan sa Antioquia sina Berenice at kanyang anak na isa pang Antiochus.

Ang alitang pangdinastiya ay nagsimula noong Ikatlong digmaang Syriano. Sinakop ni Ptolomeo III ng Ehipto na kapatid ni Berenice at pinuno ng Ehipto ang imperyong Seleucid at nagmartsang nagwagi sa Tigris at lagpas pa nito. Kanyang natanggap ang pagpapailalim ng mga silanganing probinsiya ng Imperyong Seleucid. Nagawa ni Seleucus na panatilihin ang kanyang sarili sa looban ng Asya menor. Nang bumalik sa Ehipto si Ptolomeo, nabawi ni Seleucus ang hilagaang Syria at mga kalapit na probinsiya ng Iran. Gayunpaman, ang nakababatang kapatid ni Seleucus na si Antiochus Hierax ay inilagay na katunggali sa Asya menor laban kay Seleucus ng isang partido na kinapitan ni Laodice. Sa labanan ng Ancyra (235 BCE), natalo si Seleucus at lumisan sa bansa nang lagpas sa Taurus tungo sa kanyang kapatid at ibang mga kapangyarihan ng peninsula. Nagsagawa si Seleucus ng anabasis upang mabawi ang Parthia na walang nangyari. Ayon sa ilang mga sanggunian, siya ay binilanggo ng ilang mga taon ng haring Parthian. Ang ibang mga sanggunian ay nagbanggit na nakipagpayapaan siya kay Arsaces I na kumilala ng kanyang soberanya. Sa Asya menor, ang Pergamon ay naging dakila sa ilalim ni Attalus I. Pagkatapos ng bigong pagtatangka ni Antiochus Hierax na sunggaban ang mga nasasakupan ng kanyang kapatid nang naglalaho na ang kanyan ay napahamak bilang isang pugante sa Thrace noong 228 o 227 BCE. Pagkatapos ng mga isang taon, si Seleucus ay namatay sa pagkahulog sa kanyang kabayo. Pinakasalan ni Seleucus II ang kanyang pinsang si Laodice II at nagkaroon ng limang anak: Antiochis, Seleucus III Ceraunus at Antiochus III ang Dakila. Siya ay hinalinhan ng kanyang nakatatandang anak na lalakeng si Seleucus III Ceraunus at kalaunan ay ng kanyang nakababatang anak na lalakeng si Antiochus III ang Dakila.

Seleucus II Callinicus
Kapanganakan:  ? Kamatayan: 225 BCE
Sinundan:
Antiochus II Theos
Haring Seleucid
246–225 BCE
Susunod:
Seleucus III Ceraunus