Pumunta sa nilalaman

RADIUS

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Para sa ibang gamit, tingnan Radius (paglilinaw).

Ang Remote authentication dial-in user service (RADIUS), kiilala din bilang Aaa server, ay isang AAA (authentication, authorization and accounting) protocol para sa mga aplikasyon katulad ng network access o IP mobility. Nilayon ito upang gumana sa parehong lokal at gumagalang (roaming) situwasyon.

Kapag kumukonekta ka sa Internet sa pamamagitan ng isang ISP gamit ang isang modem, DSL o koneksiyong walang kawad (wireless connection), para sa ibang tagabigay, kailangan mong ipasok ang username at password. Pinapasa ang impormasyon na ito sa isang aparatong Network Access Server (NAS) sa isang Point-to-Point Protocol (PPP), tapos sa isang RADIUS server sa RADIUS protocol. Sinisiyasat ng isang RADIUS server ang impormasyon kung tama ang ginamit na iskimang awtentikasyon (authentication scheme) katulad ng PAP, CHAP or EAP. Kung tinanggap, ipapahintulot ng server ang pagpasok sa sistema ng ISP at pumili ng IP address, mga L2TP parameter atbp.


Agham Ang lathalaing ito na tungkol sa Agham ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.