Pumunta sa nilalaman

Pag-spam

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Isang folder ng email box na pinuno ng mga mensaheng spam.

Ang pag-spam o spamming ay paggamit ng mga sistema ng pagmensahe upang magpadala ng hindi hinihiling na mensahe (spam) sa malaking bilang na tatanggap para sa layuning komersyong pagpapatalastas, para sa layuning di-komersyong pag-proselito, o para sa kahit anumang ipinagbabawal na layunin (lalo na ang layuning mapanlinlang ng phishing). Habang ang spam sa email ang pinakamalawak na kilalang anyo ng spam, nailalapat din ang katawagan sa katulad na mga abuso sa ibang midya: spam sa instant messaging, spam sa Usenet newsgroup, spam sa search engine ng web, spam sa mga blog, spam sa wiki, spam sa mga online classified ad, spam sa mga mensahe sa teleponong selular, spam sa internet forum, mga transmisyong basura sa fax, spam na sosyal, spam sa mobile apps,[1] patalastas sa telebisyon, spam sa pagbabahagi ng file. Ipinangalan ito sa Spam, isang karneng pananghalian o luncheon meat, sa pamamagitan ng maikling dula ng Monthy Python tungkol sa restawran na mayroon Spam sa lahat ng halos lahat ng putahe nito kung saan nakakainis na umaawit ang mga viking ng "Spam" na paulit-ulit.[2]

Tinatawag na spammer o nag-i-spam ang taong naglilikha ng spam.[3]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Developer Policy Center – Intellectual Property, Deception, and Spam". play.google.com (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2016-05-01.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Spam". Merriam-Webster Dictionary (depinisyon at marami pa) (sa wikang Ingles). 2012-08-31. Nakuha noong 2013-07-05.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Gyöngyi, Zoltan; Garcia-Molina, Hector (2005). "Web spam taxonomy" (PDF). Proceedings of the First International Workshop on Adversarial Information Retrieval on the Web (AIRWeb), 2005 in The 14th International World Wide Web Conference (WWW 2005) May 10, (Tue) – 14 (Sat), 2005, Nippon Convention Center (Makuhari Messe), Chiba, Japan (sa wikang Ingles). New York, NY: ACM Press. ISBN 978-1-59593-046-0.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)