Nintendo
Uri | Publiko |
---|---|
Industriya | larong baraha (nauna) larong bidyo |
Itinatag | 23 Setyembre 1889[1] |
Nagtatag | Fusajirō Yamauchi |
Punong-tanggapan | Kyoto Mga Pandaigdig na Tanggapan: Redmond, Washington, Estados Unidos Richmond, British Columbia Großostheim, Alemanya Scoresby, Victoria, Australya Suzhou, Tsina (bilang iQue, Ltd.) Seoul, Timog Korea Costa del Este, Panama (bilang Latamel Inc.) Monrovia, Liberia Taiwan (bilang Nintendo Phuten Co., Ltd.) |
Pangunahing tauhan | Satoru Iwata: Presidente & CEO Reggie Fils-Aime: Presidente & COO ng NOA Shigeru Miyamoto: Tagadisenyo ng Laro Gunpei Yokoi (namatay): Manlilikha ng Game Boy, Game & Watch], at Metroid Hiroshi Yamauchi: Lumang Presidente & Tagapangulo Minoru Arakawa & Howard Lincoln: Lumang pangulo ng NOA Satoru Shibata: Presidente ng NOE |
Produkto | Linya ng Game Boy, Color TV Game, NES, SNES, Nintendo 64, Nintendo GameCube, Nintendo DS, Wii, at iba't-ibang larong bidyo na mga pamagat. |
Kita | USD$8.19 bilyon (2007)[2] |
Dami ng empleyado | 3,768 (2008) |
Website | Nintendo Japan Nintendo ng Amerika Nintendo ng Canada Nintendo Europe Nintendo Australia |
Ang Nintendo Co., Ltd. (Hapones: 任天堂株式会社 Hepburn: Nintendō kabushikigaisha) ay isang multinasyunal na kompanya mula sa bansang Hapon na gumagawa ng mga elektronikang pangkonsyumer at larong bidyo. Nasa Kyoto ang kanilang punong himpilan habang nakahimpil naman ang kanilang internasyunal na mga sangay na Nintendo of America sa Redmond, Washington, Estados Unidos at Nintendo of Europe sa Frankfurt, Alemanya. Isa ang Nintendo sa pinakamalaking kompanyang pang-larong bidyo sa mundo ayon sa kapitalisasyon sa merkado, na nakalikha sa ilang mga pinakakilala at pinakamabentang prangkisang pang-larong bidyo, tulad ng Mario, The Legend of Zelda, Animal Crossing, at Pokémon.
Itinatag ang Nintendo ni Fusajiro Yamauchi noong 23 September 1889 at orihinal na gumagawa ng mga yaring-kamay na hanafuda na baraha. Noong 1963, sumubok ang kompanya ng ilang maliit na inaankop na mga negosyo, tulad ng mga serbisyong taksi at otel na walang malaking tagumpay. Iniwan ang mga nakaraang pakikipagsapalaran kapalit ng pamumuhunan sa mga laruan noong dekada 1960, lumago ang Nintendo bilang isang kompanyang larong bidyo noong dekada 1970. Lumawak pa sila noong dekada 1980 sa pamamagitan ng mga pangunahing dibisyon nito na Nintendo of America at Nintendo of Europe, ang Nintendo ay naging isa sa mga pinakamaimpluwensiyang kompanya sa industriya ng larong bidyo at isa sa mga pinahahalagaang kompanya sa bansang Hapon na may halaga sa merkado na higit sa $37 bilyon noong 2018.[3]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "Company History" (sa wikang Hapones). Nintendo. Inarkibo mula sa orihinal noong 2006-07-21. Nakuha noong 2006-07-29.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 2006-07-21 sa Wayback Machine. - ↑ Nintendo Co., Ltd. Company Profile - Yahoo! Finance (sa Ingles)
- ↑ David Cole (2 Nobyembre 2018). Who is worth more? Sony and Nintendo market value (Ulat) (sa wikang Ingles). DFC Intelligence. Nakuha noong 3 Abril 2019.
{{cite report}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)