Pumunta sa nilalaman

Negueb

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Negueb

Ang Negueb[1] ay isang disyerto at rehiyong semi-disyerto ng katimugang Israel. Unang binanggit ito sa Aklat ng Henesis ng Lumang Tipan ng Bibliya (Henesis 12:9), na matatagpuan sa katimugang Palestina o sa timog ng Canaan.[1][2] Kilala ito ng mga katutubong Bedouin na naninirahan dito bilang al-Naqab (Arabe: النقب‎).

Ang salitang Negev (Hebreo: נֶגֶב‎, bokalisasyong Tiberyano: Néḡeḇ) ay nagmula sa salitang ugat sa Ebreo na nangangahulugang "tuyo". Sa Bibliya, ginagamit rin ang salitang Negev para sa direksiyong 'timog'.

Mahigit kalahati ng buong Israel ay sakop ng Negueb, na may laki ng higit sa 13,000 kilometrong parisukat (4,700 milyang parisukat), halos 55% ng buong bansa. Bumubuo ito ng hugis parisukat na baligtad, kung saan ang kanlurang bahagi nito ay kadugtong ng disyerto ng Tangway ng Sinai, at ang silangang bahagi nito ay ang lambak ng Arabah.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 Abriol, Jose C. (2000). "Negueb". Ang Banal na Biblia, Natatanging Edisyon, Jubileo A.D. Paulines Publishing House/Daughters of St. Paul (Lungsod ng Pasay) ISBN 9715901077.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 25.
  2. "[https://angbiblia.net/genesis12.aspx "timog ng Canaan"]". Ang Biblia/Bagong Magandang Balita Biblia (Lumang Tipan, Deuterocanonico at Bagong Tipan). Philippine Bible Society, Lungsod ng Batangas, Pilipinas. 2008. {{cite ensiklopedya}}: External link in |title= (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)

Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.