Pumunta sa nilalaman

Mula Sa Puso

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang Mula Sa Puso ay isang palabas sa telebisyon sa Pilipinas na naisahimpapawid ng ABS-CBN mula 10 Marso 1997 hanggang 9 Abril 1999. Kinatatampukan ito nina Claudine Barretto, Rico Yan at Diether Ocampo sa direksiyon ni Wenn Deramas.

Buod ng Teleserye

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Si Via (Claudine Baretto) ay anak ni Don Fernando (Juan Rodrigo). Minahal at trinato ni Don Fernando anak na parang prinsesa, sapagkat siya ang kaisa-isang anak nito. Sa ika-labinwalong kaarawan ng dalaga, isang regalo ang inihandog ng ama kay Via: ang pagpapakasal nito sa kababatang si Michael (Diether Ocampo). Sa kasamaang palad, siya ay dinukot bago pa ang mismong pagdiriwang kinabukasan. Nasaklolohan siya ng isang simpleng binata ngunit may ginintuang puso, si Gabriel (Rico Yan). Nagkaibigan ang dalawa. Samantala, nahulog naman ang loob ni Michael sa pinakamatalik na kaibigan ni Via si Trina (Rica Peralejo). Sa kalaunan, kailangan nang pumili ni Via kung sino ang totoong tinitibok ng kanyang puso: si Michael o si Gabriel. Kasabay nito ang kanyang pagtuklas sa kanyang ina na si Magda (Jacklyn Jose) at ang paglaban sa kanyang tiyahin na si Selina (Princess Punzalan). Si Selina ang isa sa mga pinakamaimpluwesiya't pinakamakapangyarihang karakter, sapagkat hangad niya na makuha ang kayamanan ng kanyang kapatid. Ginamit niya ang kanyang talino sa mga ilegal na gawain na lubhang nagpalakas sa kanya. Magaling si Selina na manipulahin ang isip ng mga tao, lalo na nung pasabugin ang bus na sinasakyan ni Via at ng kanyang pamilya. Hindi alam ni Selina na buhay pa si Via bilang si Ella Peralta. Nagbalik si Via/Ella sa kanyang pamilya, muling hinarap ang tiyahin sa huling pagkakataon at nagbalik ang kaayusan sa pamilya Pereira.

Pamilya Pereira

Pamilya Miranda

  • Ramil Rodriguez - Atty. Miranda
  • Eva Darren - Mrs. Miranda

Pamilya Trinidad

Pamilya Buencamino

Pamilya Rodrigo

Kantang Pantema

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Kinanta ni Jude Michael ang kantang pantema ng nasabing teleserye. Si Roselle Nava naman ang kumanta nito nang isinapelikula ang serye noong 1999.

  • Unang kabanata = 37.9%
  • Pinakamataas na rating = 53.7%-56.5%
  • Tipikal na rating = 45.2%

Mula Sa Puso 2011

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Dahil sa tagumpay ng bagong Mara Clara, nagpasya ang ABS-CBN na muling buhayin ang Mula sa Puso. Kinatatampukan ito nina Lauren Young, JM de Guzman at Enrique Gil


Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.