Muhammad bin Bakhtiyar Khalji
Ikhtyiar Uddin Muhammad bin Bakhtiyar Khalji | |
---|---|
Sumunod | Muhammad Shiran Khalji |
Angkan | Khilji |
Kapanganakan | Garmsir, Helmand, Afghanistan |
Kamatayan | 1206 Devkot, Dakshin Dinajpur, Bengal |
Katungkulan | Henerak ng militar, pinuno |
Si Ikhtiyār al-Dīn Muḥammad Bakhtiyār Khaljī[1] kilala din bilang Muḥammad Bakhtiyar Khalji[2][3] ay isang heneral ng militar na pinamunuan ang Muslim na pananakop ng silangang Indiyanong mga rehiyon ng Bengal at Bihar at itinatag ang kanyang sarili bilang kanilang pinuno.[4][5][6][7]
Sa Bengal, naging dahilan ng kanyang pamumuno ang paglaganap ng Islam.[8][9] Hinangaan ng mga Islamista,[10][8] sinumulan ng pananakop ni Bakhtiyar ang Islamikong pamumuno sa Bengal, higit na kapansin-pansin ang mga Sultanatong Bengal at Bengal na Mughal.[11] Pinaniniwalaan na ang kanyang mga pagsakop ay nagdulot din ng malubhang pagkawasak sa pananampalatayang Budista sa Silangang Indya.[12]
Inilunsad ni Bakhtiyar ang kampanyang Tibet. Namatay siya noong 1206 at sinundan ni Muhammad Shiran Khalji.
Maagang buhay
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ipinanganak at lumaki si Bakhtiyar Khalji sa Garmsir, Helmand, sa kasalukuyang katimugang Afghanistan. Kasapi siya ng tribong Khalaj,[13][14][15][16] na isang tribo na may Turkong pinagmulan na pagkatapos lumipat mula sa Turkistan ay nanirahan sa Afghanistan ng higit sa 200 taon.[17][18][19]
Siya ang pinuno ng puwersang militar na sumakop sa mga bahagi ng silangang Indya noong huling bahagi ng ika-12 dantaon at noong simula ng ika-13 dantaon.
Pagbangon
[baguhin | baguhin ang wikitext]Sabi sa tradisyon, naihula na ang pananakop ni Khalji ng Bengal sa pamumuno ng 18 mangangabayo.[20] Galing siya sa karaniwang pagkapanganak,[21] may mahabang braso na lumalagpas sa kanyang mga tuhod,[20] may pagkabansot, at isang hindi kanais-nais na mukha. Una siyang hinirang bilang Dewan-i-Ard sa Ghor. Pagkatapos, lumapit siya sa Indya noong mga taong 1193 at sinubok na pumasok sa hukbong Qutb al-Din Aibak, subalit tumanggi na magkaroon ng ranggo. Pagkatapos, pumunta pa siya tungong silangan at nagtrabaho sa ilalim ni Malik Hizbar al-Din, pagakatapos, naging kumander ng isang pulutong sa Badayun sa hilagang Indya.[21] Pagkalipas ng isang maikling panahon, pumunta siya sa Oudh kung saan kinilala siya ni Malik Husam al-Din sa kanyang kahalagaan.[21] Binigyan siya ni Husam ng isang ari-arian na kumikita sa timog-silangang sulok ng makabagong distrito ng Mirzapur. Sa kalaunan, naitatag ni Khalji ang sarili doon at isinagawa ang matagumpay na mga pagsalakay sa mga rehiyong may mahinang depensa sa silangan.[22]
Mga pananakop
[baguhin | baguhin ang wikitext]Nagkaroon ng bagong direksyon ang karera ni Khalji nang sinakop niya ang Bihar noong 1200.[23] Nakakuha ang pagsisikap na ito ng pampolitikang impluwensya at kapangyarihan sa korte sa Delhi. Sa parehong taon, dinala niya ang kanyang puwersa tungo sa Bengal. Habang paparating siya sa lungsod ng Nabadwip, sinasabi na sumulong siya ng napakabilis na 18 mangangabayo lamang mula sa kanyang hukbo ang nakakasabay. Sinakop niya ang Nabadwip mula sa lumang emperador Lakshmana Sena noong 1203.[24] Kasunod nito, nagpatuloy si Khalji upang sakupin ang kabisera at punong lungsod, ang Gaur,[25] at pumasok sa karamihan ng Bengal.[26]
Pinaniniwalaan na ang pagsalakay ni Bakhtiyar Khalji ang nagdulot sa lubhang pagkawasak ng mga gusaling Budista sa Odantapuri at Vikramashila na inaakala na mga kuta ng kanyang hukbo.[12] Ipinapahiwatig ng Tabaqat-i Nasiri ni Minhaj-i-Siraj na winasak ni Bakhtiyar Khalji ang isang Budistang monasteryo[12] na kinukumpara ng may-akda sa kanyang paglalarawan sa isang lungsod na tinatawag niyang "Bihar", na sa natutunan ng mga sundalo na vihara ang tawag dito.[27] Sang-ayon sa Amerikanong iskolar na si Hartmut Scharfe, ipinapahiwatig ng mga sangguniang Tibetano na ang monasteryong tinutukoy ay 'yung nasa Vikramashila;[12] naniniwala ang mananalaysay na si André Wink na ang monasteryong ito ay Odantapuri.[27] Sang-ayon sa Budistang iskolar noong ika-17 dantaon na si Taranatha, pinuksa ng mga mananakop ang maraming monghe sa Odantapuri, at sinira ang Vikramashila.[27] Sinabi ng peregrinong Tibetanong si Dharmasvamin, na bumisita sa rehiyon noong ika-13 siglo, na ganap na nawasak ang Vikramashila ng mga mananakop na Turushka (Turko), at ang Nalanda ay tirahan ng isang kumander ng militar na Turushka.[27]
Kamatayan at kinalabasan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Umalis si Ikhtiyar al-Dīn Muḥammad Khalji sa bayan ng Devkot noong 1206 upang atakihin ang Tibet, na iniwan si Ali Mardan Khalji sa Ghoraghat Upazila upang bantayan ang silangang hangganan mula sa kanyang punong-himpilan sa Barisal. Natamo ng mga puwersa ni Khalji ang nakakapinsalang pagkatalo sa mga kamay ng gerilyang Tibetano sa Lambak ng Chumbi noong ekspedisyon niya sa Tibet sa pamamagitan ng di-pamilyar na bulubunduking lupain, na nagpuwersa sa kanya na umatras. Nagbalik si Khalji sa Devkot na may mga isang daan na nanatiling mga sundalo. Nang bumalik si Ikhtiyar Khalji habang nakaratay sa sakit sa Devkot, pinaslang siya ni Ali Mardan.[28][29]
Pagkatapos nito, hinirang ng mga maharlika ni Khalji si Muhammad Shiran Khalji bilang kahalili ni Bakhtiyar. Naghiganti ang mga tapat na mga tropa sa ilalim ni Shiran Khalji para sa pagkamatay ni Ikhtiyar, at ipinakulong si Ali Mardan. Tumakas sa kalaunan si Ali Mardan sa Delhi at pinukaw ang Sultan of Delhi na si Qutb al-Din Aibak na salakayin ang Bengal. Nagbalik si Ali Mardan kasama ang gobernador ng Oudh, si Kayemaz Rumi, at pinatalsik si Shiran. Tumakas si Shiran sa Dinajpur kung saan doon siya namatay sa kalaunan.[30] Si Ghiyas-ud-din Iwaz Khalji ang humalili. Tumakas si Ali Mardan at ginawang Gobernador ng Bengal ni Qutb-ud-din Aibak, ngunit pinatay noong 1212. Muling naluklok si Ghiyas-ud-din sa kapangyarihan at nagdeklara ng kalayaan.[31]
Pamana
[baguhin | baguhin ang wikitext]Sumalat si Al Mahmud, isang nangungunang manunula mula sa Bangladesh, ng isang aklat ng mga tula na pinamagatang Bakhtiyarer Ghora (Mga Kabayo ng Bakhtiyar) noong unang bahagi ng dekada 1990.[32] Isinalarawan niya si Khalji bilang ang kapuri-puring bayani ng Muslim na pananakop ng Bengal. Noong pamumuno ni Bakhtiyar, nakamit ng Islam ang isang malaking bilang ng mga sumampalataya sa Indya.[33] Pinag-utos ni Muhammad Bakhtiyar Khalji ang pagbasa ng Khutbah at ang paglagay ng pangalan niya sa mga barya. Lumitaw ang mga mosque, madrasa, at khanqah sa bagong mga tirahan ng Islam sa pamamagitan ng pagtingkilik ni Bakhtiyar, at ginaya ang kanyang halimbawa ng kanyang mga Amir.[34][35]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "Ikhtiyār al-Dīn Muḥammad Bakhtiyār Khiljī | Muslim general". Encyclopedia Britannica. Nakuha noong 2018-09-09.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Faruqui, Munis D. (2005). "Review of The Bengal Sultanate: Politics, Economy and Coins (AD 1205-1576)". The Sixteenth Century Journal (sa wikang Ingles). 36 (1): 246–248. doi:10.2307/20477310. ISSN 0361-0160. JSTOR 20477310.
Hussain argues ... was actually named Muhammad Bakhtiyar Khalji and not the broadly used Muhammad bin Bakhtiyar Khalji
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Hussain, Syed Ejaz (2003). The Bengal Sultanate: Politics, Economy and Coins (AD 1205-1576) (sa wikang Ingles). New Delhi: Manohar. p. 27. ISBN 9788173044823.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Majumdar, Dr. R.C., History of Mediaeval Bengal, Pahina 1, Unang nilathala noong 1973, Muling imprenta 2006,Tulshi Prakashani, Kolkata, ISBN 81-89118-06-4 (sa Ingles).
- ↑ Mehta, Jaswant Lal (1979). Advanced Study in the History of Medieval India. p. 81. ISBN 9788120706170.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Thakur, Amrendra Kumar (1992). India and the Afghans: A study of a neglected region, 1370-1576 A.D (sa wikang Ingles). p. 148. ISBN 9788185078687.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Ahmed, Salahuddin (2004). Bangladesh: Past and Present (sa wikang Ingles). p. 59. ISBN 9788176484695.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 8.0 8.1 Arnold, Sir Thomas Walker (1896). The Preaching of Islam: A History of the Propagation of the Muslim Faith (sa wikang Ingles). Archibald Constable and Co. pp. 227–228.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Hindu-Muslim Relations in Bengal, 1905-1947: Study in Cultural Confrontation, Page 11, Nachiketa Publications, 1974, Hossainur Rahman (sa Ingles)
- ↑ "Al Mahmud" (sa wikang Ingles). Truly Bangladesh. Nakuha noong 22 Enero 2014.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Eaton, Richard Maxwell (1996). The Rise of Islam and the Bengal Frontier, 1204-1760 (sa wikang Ingles). University of California Press. p. 28-34. ISBN 9780520205079.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 12.0 12.1 12.2 12.3 Hartmut Scharfe (2002). Handbook of Oriental Studies (sa wikang Ingles). BRILL. p. 150. ISBN 90-04-12556-6.
Nalanda, together with the colleges at Vikramasila and Odantapuri, suffered gravely during the conquest of Bihar by the Muslim general Muhammad Bhakhtiyar Khalji between A.D. 1197 and 1206, and many monks were killed or forced to flee.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Minhāju-s Sirāj (1881). Tabaḳāt-i-nāsiri: a general history of the Muhammadan dynastics of Asia, including Hindustān, from A.H. 194 (810 A.D.) to A.H. 658 (1260 A.D.) and the irruption of the infidel Mughals into Islām. Bibliotheca Indica #78 (sa wikang Ingles). Bol. 1. Sinalin ni Henry George Raverty. Calcutta, India: Royal Asiatic Society of Bengal (printed by Gilbert & Rivington). p. 548.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ the Khiljī tribe had long been settled in what is now Afghanistan ... Khalji Dynasty. Encyclopædia Britannica. 2010. Encyclopædia Britannica. 23 Agosto 2010 (sa Ingles).
- ↑ Satish Chandra (2004). Medieval India: From Sultanat to the Mughals-Delhi Sultanat (1206-1526) - Part One (sa wikang Ingles). Har-Anand. p. 41. ISBN 978-81-241-1064-5.
The Khaljis were a Turkish tribe from southwest Ghur. However, Bakhtiyar was ungainly in appearance...
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Sarkar, Jadunath, pat. (1973) [First published 1948]. The History of Bengal (sa wikang Ingles). Bol. Volume II: Muslim Period, 1200–1757. Patna: Academica Asiatica. pp. 3, 8. OCLC 924890.
{{cite book}}
:|volume=
has extra text (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Ashirbadi Lal Srivastava (1966). The History of India, 1000 A.D.-1707 A.D. (sa wikang Ingles) (ika-Second (na) edisyon). Shiva Lal Agarwala. p. 98. OCLC 575452554:"His ancestors, after having migrated from Turkistan, had lived for over 200 years in the Helmand valley and Lamghan, parts of Afghanistan called Garmasir or the hot region, and had adopted Afghan manners and customs. They were, therefore, wrongly looked upon as Afghans by the Turkish nobles in India as they had intermarried with local Afghans and adopted their customs and manners. They were looked down as non Turks by Turks."
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: postscript (link) - ↑ Abraham Eraly (2015). The Age of Wrath: A History of the Delhi Sultanate (sa wikang Ingles). Penguin Books. p. 126. ISBN 978-93-5118-658-8:"The prejudice of Turks was however misplaced in this case, for Khaljis were actually ethnic Turks. But they had settled in Afghanistan long before the Turkish rule was established there, and had over the centuries adopted Afghan customs and practices, intermarried with the local people, and were therefore looked down on as non-Turks by pure-bred Turks."
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: postscript (link) - ↑ Radhey Shyam Chaurasia (2002). History of medieval India: from 1000 A.D. to 1707 A.D. (sa wikang Ingles). Atlantic. p. 28. ISBN 81-269-0123-3:"The Khaljis were a Turkish tribe but having been long domiciled in Afghanistan, had adopted some Afghan habits and customs. They were treated as Afghans in Delhi Court. They were regarded as barbarians. The Turkish nobles had opposed the ascent of Jalal-ud-din to the throne of Delhi."
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: postscript (link) - ↑ 20.0 20.1 (Minhāju-s Sirāj 1881:556–557)
- ↑ 21.0 21.1 21.2 (Minhāju-s Sirāj 1881:549)
- ↑ Sarkar, Jadunath, pat. (1973) [First published 1948]. The History of Bengal (sa wikang Ingles). Bol. Volume II: Muslim Period, 1200–1757. Patna: Academica Asiatica. pp. 2–3. OCLC 924890.
granting him in jagir two parganas in the south-eastern corner of the modern Mirzāpur district ... having supplanted the petty Gahadvār chiefs of this tract, he began ravaging the open country to the east ... he confined himself to scouring the open country undefended by the field army of any organised State.
{{cite book}}
:|volume=
has extra text (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Sarkar, Jadunath, pat. (1973) [First published 1948]. The History of Bengal (sa wikang Ingles). Bol. Volume II: Muslim Period, 1200–1757. Patna: Academica Asiatica. p. 3. OCLC 924890.
Bakhtyār led his army a second time in the direction of Bihar in the year following the sack of the fortified monastery of that name. This year, i.e. 1200 A.D., he was busy consolidating his hold over that province.
{{cite book}}
:|volume=
has extra text (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "District Website of Nadia". Government of West Bengal.Hinango: 11 Enero 2014 (sa Ingles)
- ↑ Sarkar, Jadunath, pat. (1973) [First published 1948]. The History of Bengal (sa wikang Ingles). Bol. Volume II: Muslim Period, 1200–1757. Patna: Academica Asiatica. p. 8. OCLC 924890.
Bakhtyār fairly completed his conquest of the Varendra tract with the ... city of Gaur before the year 599 A.H.
{{cite book}}
:|volume=
has extra text (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Sen, Amulyachandra (1954). Rajagriha and Nalanda. Institute of Indology, volume 4 (sa wikang Ingles). Calcutta: Calcutta Institute of Indology, Indian Publicity Society. p. 52. OCLC 28533779.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 27.0 27.1 27.2 27.3 André Wink (2002). Al-Hind: The Slave Kings and the Islamic conquest, 11th-13th centuries (sa wikang Ingles). BRILL. pp. 146–148. ISBN 0-391-04174-6.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Nitish K. Sengupta (1 Enero 2011). Land of Two Rivers: A History of Bengal from the Mahabharata to Mujib (sa wikang Ingles). Penguin Books India. pp. 63–64. ISBN 978-0-14-341678-4.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ William John Gill; Henry Yule (2010). The River of Golden Sand: The Narrative of a Journey Through China and Eastern Tibet to Burmah (sa wikang Ingles). Cambridge University Press. p. 43. ISBN 978-1-108-01953-8.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Khilji Malik (sa Ingles)
- ↑ Chandra, Satish (2004). Medieval India: From Sultanat to the Mughals-Delhi Sultanat (1206–1526) – Part One (sa wikang Ingles). Har-Anand Publications. pp. 41–43. ISBN 9788124110645.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Al Mahmud" (sa wikang Ingles). Truly Bangladesh. Nakuha noong 22 Enero 2014.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Arnold, Sir Thomas Walker (1896). The Preaching of Islam: A History of the Propagation of the Muslim Faith (sa wikang Ingles). Archibald Constable and Co. pp. 227–228.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Ichimura, Shōhei (2001). Buddhist Critical Spirituality: Prajñā and Śūnyatā (sa wikang Ingles). Motilal Banarsidass. p. 65 (tanda 87). ISBN 978-81-208-1798-2.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Sen, Gertrude Emerson (1964). The Story of Early Indian Civilization (sa wikang Ingles). Orient Longmans. OCLC 610346317.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)