Pumunta sa nilalaman

Molar concentration

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Molar concentration
Mga kadalasang simbulo
c
Yunit SImol/m3
Ibang yunit
mol/L
Pagkahango mula sa
ibang kantidad
c = n/V
Dimensiyon

Ang molaridad, o konsentrasyong molar, ay ang sukatán ng konsentrasyon ng isang solyut sa isang solúsyon, o ng kahit na anong sarihay-kemikal, interms ng dami ng sabstans sa isang ispesifayd na volyum. Ang kadalasang ginagamit na yunit para sa konsentrasyong molar sa Kimika ay mol/L. Ang isang solúsyon na may konsentrasyong 1 mol/L ay sinusulat din bilang 1 molar (1 M).

Ang molaridad o konsentrasyong molar ay kadalasang ineekspres sa yunit na moles ng solyut sa kada litro ng solúsyon. Para sa gamit nito sa mga iba pang bagay, dinedepina ito bilang dami ng solyut sa kada yunit volyum ng isang solúsyon, o kada yunit volyum na aveylabol sa sarihay-kemikal, na kinakatawan ng maliit na titik c:

Dito, ang n ang dami ng solyut na naka-moles, N ang dami ng molekyul na mayroon sa volyum V (sa litro), ang tumbasang N/Y ay number concentration C, at NA ang konstant ni Avogadro, tinatayang 6.022×1023 mol−1. O kung papapayakin: 1 molar = 1 M = 1 mole/litro. Sa termodinamika, ang paggamit ng konsentrasyong molar ay kadalasan pero hindi madalî, dahil ang volyum ng karamihan sa mga solúsyon ay bahagyang nakadepende sa temperatura dahil sa ekspansiyong termal. Ang suliraning ito ay kadalasang nareresolba sa paglalagay ng temperature correction factors, o sa paggamit ng measure of concentration tulad ng molalidad. Ang resiprokal na kantidad ay nagrerepresenta sa dilúsyon (volyum) na puwede makita sa Batas ng Dilúsyon ni Ostwald.