Maya
Ang maya (Ingles: tree sparrow, literal na "pipit ng puno") ay ang pangkalahatang katawagan sa maraming uri ng ibon sa Pilipinas.[1]
Pinakamadalas maturingang "maya" ang Mayang Simbahan (Passer montanus o Eurasian Tree Sparrow)[2] sapagkat ito ang espesye na pinakamadalas makita sa mga siyudad at ibang mataong lugar, ngunit ang mayang simbahan ay isang espesyeng iniangkat mula sa Europa, at may ilang uri pa ng pipit na tinutukoy ng pangalang "maya".
Partikular, tinutukoy sa librong "A Guide to the Birds of the Philippines" ni Robert S. Kennedy, ang Mayang pula (Lonchura_atricapilla) bilang espesye ng maya na kinilalang pambansang ibon ng Pilipinas, hindi ang Mayang simbahan.[3] (Sa kasalukuyan, ang pambansang ibon ng Pilipinas ay ang Haribon).
Ibang uri ng ibong Maya
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ilan sa mga uri ng pipit na tinaguriang "maya" ay ang:
- Mayang pula o (Lonchura atricapilla, dating tinuturing na subspesye ng Lonchura malacca at tinatawag ding Mayang bungol)[2][4]
- Mayang simbahan (Passer montanus o Eurasian Tree Sparrow)[2]
- Mayang bato (Lonchura leucogastra o White-bellied Munia)[2]
- Mayang costa (Padda oryzivora)[2][5]
- Mayang paking (Lonchura punctulata)[6]
- minsa'y natatawag ding "Maya" ang Oriolus steerii, na may wastong pangalang antolihao sa salitang Cebuano, at Philippine Oriole sa Ingles; wala itong wastong pangalan sa salitang Tagalog sapagkat likas lamang itong natatagpuan sa mga gubat ng Masbate, Samar, Leyte, Negros, Bohol, Mindanao, Basilan at Kapuluang Sulu.
Tingnan din
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ English, Leo James. Diksyunaryong Tagalog-Ingles, Kongregasyon ng Kabanalbanalang Tagapag-ligtas, Maynila, ipinamamahagi ng National Book Store, may 1583 na mga dahon, ISBN 971-91055-0-X
- ↑ 2.0 2.1 2.2 2.3 2.4 https://www.fao.org/docrep/x5048e/x5048e0g.htm
- ↑ Kennedy, Robert; atbp. A Guide to the Birds of the Philippines. ISBN 0-19-854668-8.
{{cite book}}
: Explicit use of et al. in:|author2=
(tulong) - ↑ https://ebonph.wordpress.com/2013/07/03/10-most-common-urban-birds/
- ↑ https://www.irri.org/index.php?option=com_k2&view=item&id=11686:plight-of-the-rice-birds&lang=en
- ↑ https://philbiodiversitypartnerships.com/index.php/reports/progress-reports/financial-progress-reports/article/1137-scaly-breasted-munia-mayang-paking[patay na link]
Ang lathalaing ito na tungkol sa Ibon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.