Pumunta sa nilalaman

Jesus Balmori

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Jesus Balmori
Kapanganakan10 Enero 1886
  • (Maynila, Kalakhang Maynila, Pilipinas)
Kamatayan23 Mayo 1948
MamamayanPilipinas
NagtaposColegio de San Juan de Letran
Unibersidad ng Santo Tomas
Trabahomakatà, manunulat
Pirma

Si Jesús Balmori (isinilang sa Ermita, Manila noong 10 Enero 1887) ay isa sa mga maaalam sa pampanatikan sa salitang Espanyol. Siya ay nag-aral sa Collegio de San Juan de Letran at sa University of Santo Tomas, kung saan siya ay nanguna sa Panitikan. Siya ay ikinasal kay Dolores Rodriguez

Habang siya ay nasa kanyang kabinataan, si Balmori ay nakapag-ipon na ng mga pampanitikang parangal at gantimpala sa kanyang mga tula. Sa isang paligsahang isinagawa sa araw ni Rizal, ang kaniyang tatlong tula, bawat isa na maytaglay na ibang pangalang panulat, ay nanalo ng una, ikalawa, at ikatlong pa-premyo. Noong 1904, ng siya ay labing pitong taong gulang, inilathala niya ang kanyang kauna-unahang libro ng mga tula, Rimas Malayas. At ang ikalawang akda na nagkakalaman ng kaniyang pangki-kritiko sa mga masasamang tao, El Librode mis Vidas Manileñas, ay lumubas noong 1928.

Sa banding huli, kaniyang natuklasan na sa pamamagitan ng pala-kaibigang pakikipagpaligsahan sa mga ibang mga kilalang manunulay ng salitang Espanyol ng kaniyang panahon. Tanging si Manuel Bernabe ng Parañaque at si Ilonggo Flavio Zaragosa Cano, ang siyang palaging nananalo sa bawat pagkakataon.

Bago dumating ang giyera, si Balmori ay nakilala sa tawag na "Batikuling" na sumusulat sa isang kolumn sa Vanguardia, isang pang arawang pahayagang panghapon na mula sa TVT Publications tinatawag na "Vida Manileña". Pagkatapos ng giyera, siya rin ay sumulat sa isang kahalintulad na kolumn, "Vida Filipina", para sa Vox de Manila. Subalit, ang mga palabasang nagsasalita ng Espanyol ay unti-unti nababawasan sa panahong iyon.

Si Balmori ay nakagawa na ng tatlong nobela Bancarrota de Almas, Se Desho la flor, at Fajaros de Fuego na natapos sa panahon ng Hapon, kasabay nito ng tatluhang parteng dula na isinagawa lulan ng lipon ng mga tao sa Manila Grand Opera House: Compañadas de Gloria, Las de Sungkit en Malacañang, Doña Juana La Oca, Flor del Carmelo, at Hidra.

Kanyang naabot ang taluktok ng kanyang tagumpay bilang isang manunulat noong Nobyembre 1938 ng ang kaniyang Mi Casa de Nipa, isang pagsasama-sama ng kaniyang mga pinakamahusay ng mga tula, ay nagbigay sa kaniya bilang pang-unang gantimpala sa pang Nasyunal na Pampanitikang Patimpalak noong 1940, na idinaos sa ilalim ng suporta ng Commonwealth Government, bilang parte ng kanilang Ikatlong Anibersaryo.

Ipinadala sa iba't-ibang bansa upang maging kinatawan ng mabuting kalooban ng Pilipinas, at siya'y tinaggap ng may kasiyahan ng Espanya, Mexico, Katimugang Amerika, at ng Japan. Sa Espanya, si Generalissimo Francisco ay pinagkalooban siya ng Krus ng Falangista.

Siya ay naglalakbay papuntang Mexico ng kaniyang makuha ang bahagyang paralisimo. Siya ay namatay noong 23 Mayo 1948, dahil sa kanser ng lalamunan. Sa panahon ng kaniyang kamatayan, siya ay Presidential Technical Assistant at miyembro ng Philippine Historical Research. Siya ay namatay agad pagkatapos na mai-dikta ang kanyang kahuli-hulihang tula, ang A Cristo, para sa kaniyang asawa, kahit na sa kaniyang huling paghinga ang pagtula pa rin ang kaniyang binibigkas.