modelo, artista sa pelikula, artista sa telebisyon, artista sa teatro, prodyuser ng pelikula, artista
Pirma
Si William Henry Dalgliesh Cavill (/ké•vil/; ipinanganak 5 Mayo 1983) ay isang Britanikong aktor.[1][2][3] Nagsimula ang karera ni Cavill nang gumanap siya bilang Albert Mondego sa pelikula noong 2002 na The Count of Monte Cristo. Sumunod nito ay gumanap siya sa mga tagasuportang papel sa mga programa sa telebisyon gaya ng mga serye sa BBC na The Inspector Lynley Mysteries, Midsomer Murders at The Tudors bago siya lumipat sa mas mainstream na pelikulang Hollywood tulad ng Tristan & Isolde, Stardust at Immortals.
Noong 2008, si Cavill ay naging mukha at opisyal na tagapagsalita ng Dunhill fragrance collection for men campaign. Siya ay isinama sa pangunahing ensemble serye ng Showtime noong 2007 na The Tudors, bilang si Charles Brandon, 1st Duke of Suffolk hanggang sa nagwakas ang serye noong 2010. Nadagdagan ang katanyagan niya nang ginagampanan niya ang superhero na si Superman sa pelikulang Man of Steel (2013), Batman v Superman: Dawn of Justice (2016), at sa Justice League (2017) ng DC Extended Universe (DCEU). Noong 2015, pinagbidahan niya ang pelikulang The Man from U.N.C.L.E. bilang si Armie Hammer.