Academia.eduAcademia.edu

SABAYANG PAGBIGKAS

Sabayang pagbigkas ang tawag sa sabay-sabay na pagbigkas sa tanghalan ng isang pangkat ng anumang akdang pampanitikan.

ELOISA MAY B. LANUZA IV-8 BEED ANO ANG SABAYANG PAGBIGKAS ? Sabayang pagbigkas ang tawag sa sabay-sabay na pagbigkas sa tanghalan ng isang pangkat ng anumang akdang pampanitikan. Mga Mungkahing Paraan sa Paghahanda ng Sabayang Pagbigkas 1.      Piliin ang akda (maaaring tula, sanaysay, talumpati, o alamat) na angkop sa pampanitikang pagpapahalaga ng bata: sa damdamin, kaisipan, kaugalian. 2.      Pagpangkat-pangkatin ang klase ayon sa tinig: babae-soprano, kontraalto, alto; lalaki-tenor, baho (bass). 3.      Basahin nang malakas at pabigkas ang akda.  Bigyan ng pansin ang mga kamalian sa pagbigkas at iwasto  ang mga ito. 4.      Unawain ang nilalaman ng akda. 5.      Isaayos ito para sa panabayang pagbigkas sa tulong ng pangkat. 6.      Bigyang-laya ang bawat nagnanais na magpasok ng mga mungkahi sa pagsasaayos ng akda. 7.      Kung kailangan ng mga soloista, pumili sa pamamagitan ng pagsubok. 8.      Gawing magaan at natural ang tinig.  Maaaring palakasin ang tinig ngunit hindi pahiyaw; hindi dapat pilit ang pagpapalabas nito. 9.      Ang akda ay kusang naisasaulo kapag ito’y binabasa, lalo na kung panabayan. Mga Uri ng Pagsasaayos para sa Sabayang Pagbasa 1.      Antiponal.  Ang pangkat sa uring antiponal ay hinahati sa dalawa ayon sa tinig:  mataas at mababa o malaki at mallit o lalaki at babae.  Angkop ang uring ito sa akdang may usapan.  Ang usapan ay maaaring anyong tanong-sagot o pakiusap. Ang unang pangkat ang nagtatanong o nakikiusap at ang ikalawa ang sumasagot. 2.      Refrain.  Pinakapayak ang uring refrain sa pagsasaayos at angkop para sa mga nagsisimulang bumigkas nang panabayan.  Ang akda ay pinaghati-hati.  May mga taludtod o pahayag para sa isa o mahigit pang soloista at mayroon ding para sa koro.  Kadalasan, ang taludtod/pahayag para sa koro ay inuulit na taludtod/pahayag. 3.      Line-A-Child.  Gumagamit ang uring line-a-child ng maraming soloista na ang bawat isa ay may kanya-kanyang bibigkasin.  Kadalasan, ang paraang ito ay itinatambal sa unison. 4.      Part Arrangement.  Ang uring part arrangement ang pinakamahirap isaayos ngunit ito ang pinakakawili-wiling pakinggan. Ang bawat tinig ng korista ay inuuri ayon sa taas o baba (pitch) at laki o liit (timbre) gaya ng halimbawang sumusunod: lalaki-tenor, baho; babae-soprano, kontraalto, atb.  Kadalasan ang mga taludtod/pahayag na katatagpuan ng maraming patinig i ay para sa mga soprano at yaong may a at o ay para sa may mababa o malaking tinig.  Isinasaalang-alang din ang kalagayan (mood) at pinapaksa ng akda.  Ang masayang bahagi ng akda ay ipinabibigkas sa mga babae.  Ang tungkol sa lagim, kapangyarihan, karahasan ay ibinibigay sa may malalaki o malalakas na tinig. 5.      Unison.  Sabayang binibigkas ng buong pangkat ang akda.  Angkop itong gamitin sa mga tulang hindi na kailangang pagbaha-bahaginin para sa iba’t-ibang mambibigkas, tulad ng mga tula o akdang walang usapan o diyalogo.  Ang uring ito ay nangangailangan ng maingat at maselang pamamatnubay.  Ang buong pangkat ay dapat bumigkas nang parang isang tao. Apat na Anyo ng Sabayang Pagbigkas 1. Ang Pagbabasang may Madamdaming Pagpapakahulugan Isang uri ito ng madamdaming pagbabasa ng isang pangkat sa isang piyesa. Imunumungkahing idikit ang piyesa sa isang polder na matigas at may iisang sukat. Isulat nang malinaw at pare-pareho pamagat ng piyesa sa labas na bahagi ng polder na mababasa ng manonood/ nakikinig. Maaring bumuo ng dula buhat sa tula; may pangkat na nagbabasa bilang tagapagsalaysay habang may tauhang nagsasadula na gumagamit ng diyalogo o usapang patula. 2. Ang Sabayang Bigkas na Walang Kilos Dito ay saulado ang piyesa. Sa ganitong pagtatanghal limitado lamang ang gawain/kilos ng koro maliban sa pagbibigay damdamin sa pamamagitan ng angkop na tinig, ekspresyon ng mukha, mga kibit ng balikat, payak na kumpas ng kamay, mga iling at tango ng ulo. Malaki ang maitutulong sa pagbibigay ng mensahe sa piyesa sa manonood ng mga nabanggit na payak na mga kilos. Higit na magiging mabisa kung gagamit ng riser o tuntungan ang koro lalo na’t kung ito ay binubuo ng tatlong hanay. 3. Ang Sabayang Bigkas na may Maliliit na Angkop na Kilos Hindi angkop dito ang paggamit ng riser sapagkat ang koro ay gagawa na ng maliliit na kilos. Sa uring ito ng gawain, ang piyesa ay magkakaroon na ng higit na pagkamasining na pagpapakahulugan sapagkat bukod sa mahusay at madamdaming pagbigkas ay may kaangkop na kilos at galaw na maaring isahan o pangkatan (blaking) upang lalong mabigyang diin at kulay ang mensahe ng mga salita, linya o taludturan. Itinatagubiling iwasan ang napakaraming galaw na maaring makasira lamang sa pagpapakahulugan. 4. Ang Madulang Sabayang Pagbigkas o ang tinatawag na mga PETA Tula-Dula. Tinatawag din itong ganap na dulaan o total theatre. Ito ay isang uri ng madulang bigkasang pangkoro na gumagamit ng panlahatang pagtatanghal teatro – isang tulang isinadula; may tauhang gumaganap, may korong tagapagsalaysay, nilalapatan ng angkop na kasuotan, angkop na tunog, musika, awitin, sayaw, pag-iilaw, mga tanawin, kagamitan o props, atbp. Pinakamataas ang uri ng gawing ito. May kaselanan, kahirapan, at ngangailangan ng puspusan at mahabang panahon ng pagsasanay sa wastong bigkas, blaking, pagpapakahulugan, panuunan ng tingin, atbp. Nangangailangan ng kaalaman at kasanayan panteatro ang isang tagapagsanay rito. Kung baguhan pa lamang ang kalahok rito, iminumungkahing magsimula muna sa pinakapayak na anyo tulad ng binanggit na sa unahan hanggang sa makamit ang pataas na pataas na karanasan. Sa apat na anyo ng Sabayang Bigkas, tandaang ang uri ng ng pagkakabigkas ang pinakamahalaga. Anmg kilos na isahan o pangkatan man, ang makukulay na kasuotan, props, tunog, musika, atbp. Ay tumutulong lamang sa pagbibigay diin at pagpapalutang ng damdamin at paghahatid ng mensahe ng tula. SANGGUNIAN : https://www.takdangaralin.com/filipino/panitikan/panitikan-sabayang-bigkas/