KALUNUS-lunos ang naganap kahapon ng madaling araw (June 13, 4:30 am) sa aktor/direktor ng ABS-CBN na si Ricky Rivero.
Pinagsasaksak siya ng di-umano’y nahuli niyang nagnanakaw sa loob ng kanyang apartment sa may V. Luna,Quezong City.
Ayon sa text sa akin ng ilang malalapit na kaibigan ng actor/director, 17 saksak sa iba’t ibang parte ng katawan ang tinamo ni Ricky Rivero.
Mabuti na lang daw at malakas ang loob nito dahil nagawa pa nitong mag-drive patungong Heart Center.
Agad naman daw dinala sa emergency room ng Heart Center ang actor/director kung saan, matapos mala-patan ng pang-unang lunas, dinala rin kaagad ito sa St. Lukes Hospital.
Sa imbestigasyon ng mga pulis, tangkang pagnana-kaw ang naganap sa loob ng apartment ni Ricky Rivero. Agad namang nahuli ang suspect at nakilala lang ito sa pangalang alyas Luis.
* * *
ANG ABS-CBN/Star Cinema in-house TV/movie director na si Direk Jerry Lopez Sineneng ay isa lamang sa kinikilala ngayon ng Concerned Writers of Philippine Entertainment Industry na pinakamahusay na movie/TV directors ng bagong dekada.
Lumalabas sa survey na bukod-tanging si Direk Jerry ang direktor na walang tsismis o pa-ngit na mga balitang sa pakikitungo nito sa kanyang talents o hinahawakang mga ar-tista.
Si Direk Jerry din ang naitalang batang direktor na nagbibigay ng mga de-kalidad na mga palabas sa telebisyon kaya pinarangalan siya bilang Best Director sa Asian TV Awards.
Hindi na kami magtataka kung bakit nananatiling mabango ang pangalan ni Direk Jerry sa industriya.
Ito ay dahil nga sa hindi niya inilalagay ang kanyang tagumpay sa ulo.
Noong 1991 unang napasok bilang writer sa MMK si Direk Jerry. Kinalaunan, naging direktor na rin siya ng MMK hanggang kinuha na siya bilang in-house o exclusive director ng Star Cinema at ABS- CBN.
King of teleserye nga kung tawagin si Direk Jerry dahil sa mga patok na teleseryeng kanyang nagawa , tulad ng Lobo, Immortal, Esperanza, Flordeluna, at iba pa.
Hindi rin matawaran ang husay niya sa pagdirehe ng mga pelikulang Mara Clara, FLAMES, Soltera, All About Love, Video King, at iba pa na pawang pumatok sa takilya.
Isang dahilan kung bakit iniidolong direktor ng mga kabataang artista si Direk Jerry ay ang kanyang bukas na isipan sa anumang suggestion ng mga artistang dinidirehe niya, bata man o matanda.
Aside from that, kapag nakita niyang may potensyal ang isang baguhang artista, siya na mismo ang gagabay at tutulong dito para maabot ang kanyang mga pangarap tungo sa stardom.
Published : Monday July 18, 2011 | Category : Showbiz | Views : 157
By : Remy Umerez
THREE of the country's best directors are working hand in hand in ABS-CBN's Kapamilya Gold teleserye titled "Reputasyon." They are Jeffrey Jeturian, Celso Ad Castillo and Ms. Laurice Guillen. Although Guillen and Castillo are working here as actors, their presence on the set are inspiring enough for them to do... Read more
Published : Monday July 18, 2011 | Category : Showbiz | Views : 161
By : Joey Aquino
TV5 is starting a new television drama soap entitled “The Sisters” tonight giving new star transferee from GMA7, Nadine Samonte another shot at stardom. Among the veteran actors and actresses included are Eddie Garcia, Zoren Legaspi, Susan Africa, James Blanco, and comebacking Leandro Muñoz. Also in the soap are some... Read more
Published : Monday July 18, 2011 | Category : Showbiz | Views : 159
By : Mario Bautista
CAMILLE Prats says she never expected the show to be this big a hit. “We’re overwhelmed by the support of the viewers kaya laging ang taas ng rating namin,” she says. “I’m so happy that after doing ‘Bantatay’ na contravida ang role ko na may pagka-comedy, heto’t I’m doing heavy... Read more
Published : Monday July 18, 2011 | Category : Showbiz | Views : 155
By : Noel Asiñas
NAKIKISIMPATIYA si Mark Anthony Fernandez sa sinapit ng young dramatic actor na si Jiro Manio na mina-manage ni Direk Maryo J. Delos Reyes. ‘Nakakulong’ ngayon sa rehabilitation center si Jiro dahil sa pagkalulong sa droga. Dumaan din si Mark Anthony sa nararanasan ngayon ni Jiro kaya nauunawaan niya ito.... Read more
Published : Monday July 18, 2011 | Category : Showbiz | Views : 130
By : Gerry Ocampo
Nagpaunlak ng interview si OMB Chairman Ronnie Ricketts sa kanyang opisina sa Quezon City tungkol sa ginawa nilang pag-raid ni Mayor Alfredo Lim sa Quiapo kamakailan. Marami kasi ang nagulat sa ginawang pag-raid nila ni Mayor Lim sa naturang lugar na sinasabing pinaka-puso ng bentahan ng mga pirated DVD ng... Read more