Gales
Ang artikulong ito ay karamihan o buong umaasa sa iisang sanggunian. (Mayo 2021) |
Gales Cymru
| |
---|---|
Salawikain: Cymru am byth(Welsh) "Wales Forever" | |
Kabisera at pinakamalaking lungsod | Cardiff |
Wikang opisyal | Welsh, Ingles |
Katawagan | Cymry / Welsh |
Pamahalaan | Constitutional monarchy |
• Rey | Charles III |
• Punong Ministro (ng UK) | Gordon Brown MP |
Rhodri Morgan AM | |
Ieuan Wyn Jones AM | |
• Secretary of State (in the UK government) | Paul Murphy MP |
Unification | |
• by Gruffudd ap Llywelyn | 1056 |
Lawak | |
• Kabuuan | 20,779 km2 (8,023 mi kuw) |
Populasyon | |
• Pagtataya sa 2005 | 2,958,6001 |
• Senso ng 2001 | 2,903,085 |
• Densidad | 140/km2 (362.6/mi kuw) |
KDP (PLP) | Pagtataya sa 2002 |
• Kabuuan | US$48 billion |
• Bawat kapita | US$23,741 |
TKP (2003) | 0.939 napakataas |
Salapi | Pound sterling (GBP) |
Sona ng oras | UTC0 (GMT) |
• Tag-init (DST) | UTC+1 (BST) |
Kodigong pantelepono | 44 |
Internet TLD | .uk2 |
|
Ang Gales o Wales ay isang kaharian ng United Kingdom o Nagkakaisang Kaharian ng Gran Britanya at Hilagang Irlanda.
Ang lupain
[baguhin | baguhin ang wikitext]Isang peninsula ang lupaing kinalalagyan ng Gales na nasa gawing kanluran ng Britanya. Kinapapalooban ito ng mga bundok ng Cambrian, mga lambak, at ibang mga bulubunduking lupain. Makikita sa katimugan ng peninsula ang bundok ng Snowdon, na may taas na 3,560 piye. Nasa Wales din ang isang malaking laguna, ang Bala.[1]
Nasa Gales din ang bayan na may pinakamahabang pangalan: ang Llanfairpwllgwyngyllgogerychwyrndrobwllllandysiliogogogoch, na ang ibig sabihin ay "Simbahan ni Santa Maria sa loob ng hungkag na puting kastanyo, malapit sa isang mabilis na umaalimpuyong tubig, at simbahan ni Santo Tysilio ng mapulang kuweba".[1]
Mga pangunahing ani
[baguhin | baguhin ang wikitext]Likas na mayaman sa uling ang Gales, at napagkukunan din ng tanso, oksido de sik, nikel, at apog.[1]
Mga mamamayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Tinatawag na mga Welsh ang mga mamamayan ng Gales. Nagsimula sila sa tribung Celtic na nanggaling sa kanlurang Britanya. Nahaluan din ang mga Welsh ng mga lahing Norman at Ingles.[1]
Wika, sining at panitikan
[baguhin | baguhin ang wikitext]May sariling wika ang mga Welsh. Nagmula ang kanilang wika mula sa lengguwaheng Gaeliko, ang wika ng mga Kelt. Isang wikang walang titik na J, K, V, X at Z ang alpabeto ng mga Welsh. Kabilang sa panitikan ng mga Welsh ang kuwentong-bayan ni Haring Arturo at mga Kabalyero ng Bilog na Mesa. Sa matandang literatura, itinuturing na mahalaga ang tulang Gododdin at mga kalipunan ng mga alamat, ang Mabinogion. Tinuturing ding mahalaga ang mga makatang sina Dafydd ap Gwilym at Dylan Thomas.[1]