Pumunta sa nilalaman

Alcuino ng York

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Alcuin)
Alcuino ng York
si Rabanus Maurus (nasa kaliwa), na sinusuportahan ni Alcuino (na nasa gitna), na ipinapakita ang kaniyang akda kay Otgar ng Mainz
Kapanganakanc. 735
Kamatayan19 Mayo 804 (may na humigit-kumulang 70)
Trabahomonghe, paham
San Alcuino ng York
Benerasyon saSimbahang Katoliko Romano
Simbahang Ortodoksong Silanganin

Si Alcuino ng York (Latin: Alcuinus, Ingles: Alcuin, o Alcuin of York), o Ealhwine, na may palayaw na Albinus o Flaccus, kaya't nakikilala rin bilang Alcuinus Flaccus Albinus (dekada 730 o 740 – 19 Mayo 804), ay isang Ingles na paham, eklesiyastiko, makata, at guro mula sa York, Northumbria. Ipinanganak siya noong humigit-kumulang sa taon ng 735 at naging estudyante ni Arsobispo Ecgbert sa York. Sa paanyaya ni Charlemagne, siya ay naging isang nangungunang iskolar at guro sa korteng Carolingiano, kung saan siya ay nanatiling isang pigura noong mga dekada ng 780 at 790. Nagsulat siya ng maraming mga tratasong pangteolohiya at dogmatiko, pati na ilang mga akdang pambalarila at isang kabilangan ng mga tula. Siya ay naging isang pinuno ng mga monghe (isang abbot) sa Tours noong 796, kung saan siya nanatili hanggang sa kaniyang kamatayan. Bilang inilarawan ni Einhard sa loob ng akdang Life of Charlemagne (Buhay ni Carlomagno) bilang "Ang pinaka maalam na lalaki na matatagpuan saan man",[1] itinuring si Alcuino ng York bilang isa sa pinaka mahahalagang mga arkitekto ng Renasimiyentong Carolingiano. Kabilang sa kaniyang mga estudyante ang karamihan sa nangungunang mga intelektuwal ng panahong Carolingiano.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Einhard, Life of Charlemagne, §25.


TalambuhayKatolisismoKristiyanismo Ang lathalaing ito na tungkol sa Talambuhay, Katolisismo at Kristiyanismo ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.