Pumunta sa nilalaman

Pulbura

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Pagbabago noong 08:04, 9 Pebrero 2024 ni Jojit fb (usapan | ambag)
(iba) ←Lumang pagbabago | Kasalukuyang pagbabago (iba) | Mas bagong pagbabago→ (iba)
Tungkol ito sa isang sandatang pumuputok. Para sa kendi, tingnan ang pulburon.
Pulbura

Ang pulbura, na tinatawag ding "itim na pulbos" (Ingles: gunpowder, gun powder, black powder)[1] ay isang halo ng mga sustansiyang kimikal (uling, sulpura, at "asin ni Pedro"). Mabilis itong nasusunog at lumilikha ng mga gas. Dahil sa gumagamit ang mga gas na ito na mas maraming mga espasyo kaysa sa pulburang pinanggalingan nila, kaya't tumutulak silang palabas. Kapag nasa maliit na puwang ang pulbura, tutulak ang mga gas sa dingding ng espasyo, na bumubuo ng presyon. Tinutulak ang isang punglo sa ganitong paraan habang nasa loob ng isang baril, na nagiging sanhi ng paglipad o pagsibad nito palabas na may matinding kabilisan. Ngunit hindi sapat ang presyong ito upang mawasak ang bariles ng baril o ang mahabang tubong metaliko.

Pinaniniwalaan ng mga dalubhasang inimbento ng mga Tsino ang pulbura. Pumipetsa ang unang pagbanggit ng "pulbos na itim", isang anyo o uri ng pulbura, noon pang ika-13 daang taon, nang ilarawan ni Roger Bacon ang pormula para sa paggawa nito.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Gaboy, Luciano L. Gunpowder - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.

Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.