Abstract
Ang papel na ito ay isang kritikal na ulat tungkol sa pilosopiyang Pilipino sa panahon ng rehimeng Duterte. Sa pamamagitan ng Google Scholar tinukoy nito ang limang nangungunang Pilipinong pilosopo na sumuri sa nasabing rehimen: sina Christopher Ryan Maboloc, Regletto Aldrich Imbong, Tracy Llanera, Carlito Gaspar at Jude Raymun Festin. Kinilala nito ang nasabing limang pilosopo, at hinimay ang kani-kanilang pangkalahatang paninindigan kaugnay sa nasabing rehimen, isyung tinutukan, pilosopong kabalitaktakan, at pilosopong tinutungtungan. Sinuri din ng papel na ito ang ideolohiyang politikal ng limang pilosopo gamit ang modipikadong spectrum nina Hans Slomp at F.P.A. Demeterio. Naglahad ang papel na ito ng lagom tungkol sa kabuuang boses ng pilosopiyang Pilipino sa ilalim ng nasabing rehimen.