Birtud (Virtue)
at
Pagpapahalaga
Birtud (Virtue)
Ang virtue ay galing sa salitang “virtus” (vir) o “pagiging matatag at pagiging malakas.
Ang tao ay may mag katulad na isip ngunit hindi tayo magkakatulad ng kaalaman.
Mayroon tayong magkakatulad na kilos-loob ngunit magkakaibang taglay na virtue. Ang Virtue ay laging nakaugnay sa pag-iisip at pagkilos ng tao.”
Dalawang Uri ng Birtud
1. Intelektuwal na Birtud
- Ang intelektuwal na birtud ay may kinalaman sa isip ng tao, “gawing kaalaman (habit of knowledge)”.
MgaUri ng IntelektuwalnaBirtud
1. Pag-unawa(Understanding)
- Ang pag-unawaang pinakapangunahin sa lahat ng birtud na nakapagpapaunlad ng isip.
- Ito ay nasa buod (essence) ng lahat ng ating pag-iisip.
2. Agham(Science)
- Ito ay sistematikong kalipunan ng mga tiyak at tunay na kaalaman na bunga ng pagsasaliksik at pagpapatunay.
a) Pilosopikongpananaw
b) Siyentipikongpananaw
3. Karunungan (Wisdom)
- Ito ang pinakawagas na uri ng kaalaman. Ito ang pinakahuling layunin ng lahat ng kaalaman ng tao, “agham ng mga agham”.
4. Maingat na Paghuhusga (Prudence)
- Ang maingat na paghuhusga ay isang uri ng kaalaman na layunin ay labas sa isip lamang ng tao. Ito ang pinakamahalaga at pinakamakabuluhan sa lahat ng mga intelektuwal na birtud kaya’t tinatawag itong“praktikal na karunungan” (practical wisdom).
5. Sining (Art)
- Ang sining ay paglikha, ito ay bunga ng katuwiran.
2. Moral naBirtud
- Ang moral n abirtud ay may kinalaman sa pag-uugali ng tao. May apat na uri ang moral na birtud:
- Karunungan (Justice)
- Ang karunungan ay isang birtud na gumagamit ng kilos-loob upang ibigay sa tao ang nararapat lamang para sa kanya.
2. Pagtitimpi (Temperance or Moderation)
- Nakikilala ang taong nag tataglay ng pagtitimpi ang bagay na makatuwiranat ang bagay na maituturing na luho lamang.
3. Katatagan(Fortitude)
- Ito ang birtud na nagpapatatag at nagpapatibay sa tao na harapin ang anumang pagsubok o panganib.
4. Maingat na Paghuhusga (Prudence)
- Ito ang itinuturing na ina ng mga birtud sapagkat ang pagsasabuhay ng ibang mga birtud ay dumadaan sa maingat na paghuhusga.
Kahulugan at Uri ng Pagpapahalaga
Ang pagpapahalaga o (values) ay nagmula sa salitang Latin na “valore” na nangangahulugang pagiging malakas o matatag at pagiging makabuluhan o pagkakaroon ng saysay o kabuluhan.
Ayon naman sa mga Sikolohista, ang pagpapahalaga ay anumang bagay na kaibig-ibig, kaakit-akit, kapuri-puri, kahanga-hanga at nagbibigay ng inspirasyon at kasiya-siya sa pakiramdam.
Ayon sa tradisyon, ang halaga ay tumutukoy sa saligan o batay ang kilos o gawa at sa ubod ng paniniwala. Ayon kay Max Scheler (DyM.1994), ang pagpapahalaga ay Obhetong ating intensyonal na damdamin.
Mga katangian ng pagpapahalaga:
a) Immutable at objective
b) Sumasaibayo (transcends)
c) Nagbibigay ng direksyon sa buhay ng tao.
d) Lumilikha ng kung anong nararapat (ought-to-be) at kung ano ang dapat gawin (ought-to-do).
Mgauring Pagpapahalaga
- Ganap na pagpapahalaga ng Moral (Absolute Moral Values)
- Ito ay nagmumula sa labas ng tao. Ito ang pangkalahatang katotohanan (universal truth) na tinatanggap ng tao bilang mabuti at mahalaga.
Mga Katangian ng Ganap na Pagpapahalaga ng Moral
a) Obhetibo - Ito ay naaayon kung ano ito (what is), ano ito noon (has been), at kung ano ito dapat (must be).
b)Pangkalahatan - Ito ay sumasaklaw sa lahat ng tao, kilos at kondisyon o kalagayan.
c) Eternal -Ito ay umiiral at mananatiling umiiral.
2. Pagpapahalagang Kultural na Panggawi (Cultural behavioral values)
- Ito ay mga pagpapahalagang nagmula sa loob ng tao.
Mga Katangian ng Pagpapahalagang Kultural na Panggawi
a. Subhetibo – pansarili o personal sa indibiduwal.
b. Panlipunan (Societal) – nakagawiang kilos o asal na katanggap-tanggap sa lipunan.
c. Sitwasyonal (Situational) – nababatay sa sitwasyon, sa panahon at pangyayari.
Kaugnayan ng Pagpapahalaga at Birtud
Ang Pagpapahalaga at Birtud ang nagbibigay katuturan sa ating tunay na pagkatao ,hindi ang anumang nais ng taong makamit sa kanyang sarili. Bagamat magkaiba subalit magkaugnay ang pagpapahalag at virtue.
Sub-Tasks:
Kaugnayan ng pagpapahalaga at birtud:
Gawain 1: Paano nagkakaugnay ang pagpapahalaga at birtud? Ipakita mo ito sapamamagitan ng ilustrasyon
Gawain 2: Pagninilay:
Sumulat ka ng isang pagninilay tungkol sa natuklasan mo sa kaugnayan ng iyong pagpapahalaga at gawaing ginagawa mo araw-araw. Ilahad ang pagninilay sa ganito:
OBJECTIVES
General Objectives:
• Sa modyul na ito, inaasahang mailalahad ang kaugnayan ng Birtud at ng Pagpapahalaga.Sub-Tasks:
- Bigyang kahulugan ang Birtud at Pagpapahalaga.
- Maipakita sa pamamagitan ng ilustrasyon ang kaugnayan ng birtud at pagpapahalaga.
- Makasulat ng isang pagninilay tungkol sa iyong pagpapahalaga sa gawi na nalilinang sa sarili.
GUIDE CARD
Kaugnayan ng Pagpapahalaga at Birtud
Ang Pagpapahalaga at birtudang nagbibigay katuturan sa ating tunay na pagkatao, hindi ang anumang nais ng taong makamit sa kanyang sarili. Bagamat magkaiba subalit magkaugnay ang pagpapahalaga at virtue.
ACTIVITY CARD
Gawain 1: Tayain ang inyong pag-unawa
Ang gawaing ito ay susubok sa kung ano ang naunawaan mo sa paksa ng natalakay.
Gawain 2: Kaugnayan ng pagpapahalaga at birtud
Maipakita sa malikhaing paraan ang kaugnayan ng birtud at pagpapahalaga.
Gawain 3: Journal
Maipahayag ang pagninilay tungkol sa natuklasan
ENRICHMENT CARD
Gawain 1: Tayain ang inyong pag-unawa:
Upang masubok ang lalim ng inyong naunawaan, sagutin ang mga sumusunod na tanong.
1. Ano ang pagpapahalaga?
1.a. Bakit kailangang taglayin ito ng tao?
2. Ano ang birtud?
2.a. Paano ito nalilinang sa tao?
ASSESSMENT CARD
Gawain 1: Paano nagkakaugnay ang pagpapahalaga at birtud? Ipakita mo ito sapamamagitan ng ilustrasyon
ASSESSMENT CARD
Gawain 2: Pagninilay:
Sumulat ka ng isang pagninilay tungkol sa natuklasan mo sa kaugnayan ng iyong pagpapahalaga at gawaing ginagawa mo araw-araw. Ilahad ang pagninilay sa ganito:
Journal
May kaugnayan ba ang aking pagpapahalaga sa gawi na nalilinang sa akin?
Thank you
ReplyDeleteIKdiakd7akduamdyamd
ReplyDeleteNakatulong po ito sa aking takdang aralin❤
ReplyDeleteHahaha ito ang ginamit ng guro ko para sa aming takdang aralin
ReplyDeletesalamat po
Nakatulong po ito sa aking takdang aralin❤
ReplyDeleteThank you so much
ReplyDeleteNakakatulung sa aking prodject
ReplyDeleteNakatulong sa test ko. Salamat ng marami!!!
ReplyDeleteOk..thank you.. Can I used this as my references?
ReplyDeleteThank you 😊❤️
ReplyDeletethank you it helps me to answers my questions in E.S.P subject it helps me a lot thank you.....
ReplyDeleteTy
ReplyDeletePaano nagkaugnay ang pagpapahalaga sa birtud
ReplyDelete